Zombie Family (229)
TAKBO ang magkapatid na teenagers.
Sinusundan nila ang mabangong amoy na nakakagutom.
Nagbigay-daan ang mga body parts sa pagdating ng magkapatid.
At nakita nila ang pugitang tuluyan nang namatay.
Lumapit pa ang dalawa.
“Patay na siya!”
“Pero ang bango pa rin! Parang halos kasimbango ng karne o katawan ng tao!”
Nag-transform nang husto ang dalawa. Nangitim ang mga mata, tumulis ang mga ngipin, lumawit ang mga dila nila, humaba.
At tumulo ang mga laway.
Agad nilang kinagat ang higanteng pugita.
“Masharrrap!” Halos maduling sa tuwa ang teenager na zombing lalaki.
Hindi naman makapagsalita ang kapatid na babae. Kagat at lunok lang. Nangingitim ang mga bibig nila dahil sa dugo at tinta ng pugita.
Nakalapit na si Herman sa umpukan sa tabing-dagat. “Ano kaya ang nangyayari?”
Nagbigay-daan din sa kanya ang mga body parts.
At nakita niya ang mabilis na pagkain ng mga anak sa creature ng dagat.
“K-Kaya n’yong kumain ng pugita lang? Hindi na kailangang tao ang papatayin at kakainin ninyo?” Hindi niya malaman kung matutuwa nang husto dahil naaawa rin naman siya sa patay na pero nilalapa pa ring pugita.
Bilang magulang, natuwa rin naman siyang nagamot na ang gutom ng kanyang mga anak.
“S-sige, mga anak. Okay lang. Kumain kayo nang kumain. Pero … magtira rin kayo para sa susunod na meal. Kailangan may paggalang pa rin sa pagkain. Hindi iyung lumalamon na parang walang kabusugan.” Itututloy
- Latest