^

Para Malibang

Sanggol ipinanganak na may tatlong binti at dalawang ari

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Ipinanganak diumano na may tatlong binti, dala­wang ari, pero walang butas ang puwit ng isang sanggol mula sa Moscow, Russia. Nadiskubre na raw ito habang nasa sinapupunan pa lang ng kanyang ina.

Ayon sa mga doktor, maaaring dahil daw ito sa kambal sana ang magi­ging anak ng nanay pero hindi na-develop, kaya sa bata napunta ang extrang binti at ari.

Nang malaman daw ang tungkol sa kapansanan ng bata, abortion o pagpapalaglag daw ang suhestiyon sa kanya ng mga doktor. Pero hindi pumayag ang ina at inilabas ang bata sa pamamagitan ng normal delivery.

July 2018 nang ipa­nganak ang bata, at dahil sa kawalan ng butas sa kanyang puwit, kinailangan siyang operahan agad.

Pagkalipas ng isang buwan, tinanggal naman ang kanyang pangatlong binti, at sa sumunod na buwan ay ang kanya namang pangalawang ari. Ina­yos na rin ang butas ng kanyang puwit at inilagay sa tamang puwesto.

“Most likely, at the beginning these were twins. The middle leg had two heels. These had to be two boys, but [in the womb] it turned into just one baby.

The boy is 14 months old now. He is walking and looking around at the world. He is curious,” paliwanag ng isang spokesperson mula sa Moscow health department.

vuukle comment

SANGGOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with