^

Para Malibang

Zombie Family (227)

Gilda Olividado - Pang-masa

KINAKABAHAN si Herman. Narinig ang mga putok.

“Ang anak koooo!”

Pero nahila na ang teenager na babae pailalim ng dagat ng ilang body parts.

Walang tinamaan ang mga sundalo sa navy ship.

Mabilis na tinangay ng body parts ang teenager na babae patungong isla, sa ilalim pa rin ng dagat.

Galit na galit ang teenager.

Pero walang magawa, patuloy lang siyang hinila sa ilalim ng tubig patungo sa isla ng mga body parts.

Nang inahon, nasa isla na uli siya.

Galit na galit na sumigaw ang teenager. “AAAAAAHHHHHH! I hate you all! I hate you all!”

NANGHINAYANG naman ang commander sa navy ship. “Sayang. Dapat sana nabistay na ang zombie na ‘yon at naging body parts at hindi na mapanganib kahit kanino.”

“Nailigtas ho siya. Kitang-kita namin nang hinila siya pailalim sa tubig. At nandodoon na ngayon sila sa isla.”

Nagalit ang commander. “Kung tutuusin, masama rin ang mga body parts na ‘yan. Dahil pinigil nila tayo sa tamang gagawin. Para mabawasan na ang zombie! De sana iisang zombie na lang ang problema, ‘yung teenager na lalaki na lang na anak nina Marga at Herman!”

KINAUSAP ni Herman ang mga body parts. “Mula ngayon, babantayan ninyo ang mga anak ko. Hindi ninyo sila paaalisin sa isla. Hindi ninyo sila palalapitin sa dagat. Hihintayin nating magutom sila at kumain nang tamang pagkain. Iyung pipigil na sa pagiging zombies nila.”

Nakaintindi naman ang mga body parts ni Marga.

Pinaikutan nila ang teenager na babae, binabantayan. Hindi makalusot ang teenager sa mga body parts na nagsisiksikan paikot sa kanya.

ANG teenager na la­laki naman ay nakakaramdam na rin ng gutom. Nangitim na naman ang mga mata. Ang mga ngipin ay humahaba at tumutulis.

Masama ang tingin sa navy ship dahil alam niyang nandodoon lang ang mga “pagkain”.

Tumayo siya at lumakad patungo sa dagat.

Gagawin ang ginawa ng kapatid na babae, pupunta rin sa navy ship. Kailangan niyang makakakain. Pero maya-maya lang, pinapaikutan na siya ng mga body parts, siksikan din ang mga ito sa paligid niya, hindi siya makakadaan. 

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with