^

Para Malibang

Putok Batok! Burp Review:

BURP - Koko - Pang-masa

Mahilig tayong mga Pinoy sa mga nauusong eat-all-you-can o buffet.

Kahit saan ka magpunta ay patok na patok ang mga samgyupsal at iba pang unlimited na mga deal.

Ang rerebyuhin natin ngayon ay ang Putok Batok Restaurant sa Antipolo, Rizal. Nagsi-serve sila ng unli inihaw na liempo, sisig, hipon, sinigang na baboy, calamares, at fried chicken. Oh ‘di ba sino ba naman ang hindi puputok ang batok sa offer nila? Hahaha!

Sinubukan ng inyong lingkod ang “build your unli” kung saan maaa­ring mamili ng 3 putahe sa halagang P249 lang. Unlimited rice and drinks na rin pala ito.

Unang dumating ang sinigang na baboy. Wala nang mas aasim pa sa mukha n’yo ‘pag natikman ang kanilang sinigang. Bet na bet ko ang malapot na sabaw nito at sobrang lambot na karne at taba na halos natutunaw na sa dila. Medyo half cooked ang gulay pero masarap dahil sa lutong. Sumunod na dumating ay ang sisig. Nakulangan lang kami sa lasa at wala itong itlog sa ibabaw. Ang huling du­mating ay ang inihaw na liempo. Gustung-gusto rin namin ang lasa nito na manamis-namis. Malalasahan ang medyo sunog na asukal sa marinade na lalong nagpasarap nito.

Overall, ay panalo sa lasa at presyo ang kanilang mga pagkain. Paalala lang na maghinay-hinay sa pagkain ng matatabang pagkain. Sa nasabing restaurant ay ino-offer din nila ang unlimited shrimp at crabs. Burp!

Para sa iba pang de­talye bisitahin ang ka­nilang Facebook page sa www.facebook.com/yumbossputokbatok.

vuukle comment

PINOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with