^

Para Malibang

Zombie Family (225)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PANIC na nakiusap si Herman sa anak na lalaki. “Tawagin mo ang kapatid mo! Hindi siya puwedeng pumunta sa navy ship!”

“Pero nagugutom kasi siya, Dad!”

“Kaya basta na lang siya pupunta doon para kumain ng tao? Mga sundalo ‘yon! Puwedeng lalaban! Mapapahamak ang kapatid mo!”

“Kaya niya ang mga ‘yon! Ang lakas namin, e. Saka kapag nararamdaman ko na tagilid ang sister ko, pupunta rin ako para tulungan siya.”

“At kakain ka na naman ng tao?”

“Hindi pa lang ako masyadong gutom nga­yon. Pero malapit na. Sa aming dalawa, talagang mas madaling magutom ang kapatid kong ‘yon.”

“Alam mo bang kapag hindi kayo kumakain ng karne ng tao ay malaki ang posibilidad na gagaling pa kayo?”

“Gumaling na nga kami. Pero nagbalik din naman kami sa dati. Hinahanap-hanap na namin ang flesh ng tao, Dad!”

“Pero kapag nagtiis kayo magiging normal kayo uli.”

“Mas mahirap hong magutom!”

“Mas mahirap maging zombie! Na kakain ng tao! Hanggang sa manga­ngamoy bulok kayo!”

“Tama na ho. Ayokong awatin ang kapatid ko dahil alam kong hindi siya paaawat!”

At lumayo na lang ang anak na binata.

Desperate naman si Herman, hindi pa rin makakapayag na ang anak na babae ay lalamon na naman ng mga tao.

Mga sundalo pa mandin.

Mga alagad ng bansa.

Napatingin si Herman sa mga body parts ni Marga na pagkarami-rami na sa tabing-dagat.

“Kayo nga pala! Puwede ninyong maibalik dito sa isla ang anak ko! Kunin ninyo siya! Kunin ninyo siya sa dagat!”

ANG anak na babae ni Herman ay malapit na sa navy ship dahil sa sobrang bilis ng paglangoy nito.

Pero aware na sa kanya ang mga sundalo sa navy ship.

Nakita na siya sa kanyang napakabilis na paglangoy.

“Tiyak na zombie rin ‘yan! Hindi normal ang kanyang pagkilos! Napakabilis niyang lumangoy! Parang isang robot na may super speed!” Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with