^

Para Malibang

Zombie Family (222)

Gilda Olvidado - Pang-masa

SINUSUNDAN ng teleskopyo ang dalawang bata. Kita ng head ng military ang nangyayari sa isla. “Nobody is touching the two young people. Para pa ngang inaalagaan sila.”

“These must be special people. Para dalhin sila sa isla na iningatan.”

“I-magnify ang mukha ng dalawang teenagers sa special screen natin.”

Ikinonekta ang wire ng telescope sa screen. Doon lumaki ang images ng dalawang teenagers. Ipinagtugma sa file na mga importante.

“Kaya naman pala very familiar. These young people ay mga anak nina Marga at Herman. Kamukhang-kamukha nila ang file nila.”

“Kaya naman pala espesyal ang pagtanggap sa kanila.”

“Parang nahulaan ng mga body parts ang pagda­ting nila.”

“Ano na mangyayari ngayon sa isla na kumpleto na ang mag-anak.”

“Iyan ang tutuklasin natin.”

“Ang mga body parts, hindi ba hindi na naman sila pumapatay?”

“Sa ngayon.”

“Then maybe puwede nating isipin na kung ang mga body parts ay bumait, tumino, nag-transform into some positive beings … baka ganoon din ang mangyayari sa mga anak ni Marga.”

 “That’s too much of a dream. Men eating beings … lahat sila babait?”

 “Tutok tayo sa kanila. Aalamin natin kung ano itong development na ito.”

MARAMING matatabang isdang hinuli ang mga body parts.

Agad niluto ni Herman para sa mga anak. Tiniyak niyang masarap. Gumawa pa siya ng maraming Japanese dishes.

Mga isdang hindi cooked pero edible na. Tulad ng mga popular dishes sa Japan.

“Halina kayo. Dinner is ready.” Tinawag ni Herman ang dalawang anak.

Excited agad ang dalawang teenagers, expected nilang masasarapan sila.

Pero sabay na iniluwa, idinura.

“Bland!”

“Walang sarap!”

“Ganyang pagkain ang inaayawan namin doon sa clinic,e. Masyadong iba ang karne ng isda sa karne ng …”

 Hindi man madugtungan, alam agad ni Herman kung ano ang gustong sabihin ng anak na babae.

Nanindigan si Herman. “Magkagutum-gutom kayo dahil hindi ko talaga kayo pakakai­nin ng flesh ng tao!”

Nagkatinginan ang dalawang kabataan.

Dismayado.

Inis.

Kinuha ng teenager na babae ang malapad na dahon na puno ng inihaw na isda at itinapon sa harapan ni Herman.

“Kainin ninyong mag-isa ‘yan! Sayang ang punta namin dito!”

 Hindi nagpatinag si Herman.

Didisiplinahin niya ang dalawang anak. “Dito sa islang ito, ang matino ang masusunod! Napatino nga ang mga body parts ng inyong ina, kayo pa kaya?”  - ITUTULOY

 

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with