^

Para Malibang

Zombie Family (220)

Gilda Olvidado - Pang-masa

DAHILnga ligtas naman ang piloto at isa pang sundalo, hindi immediate ang pag-dispatch ng rescue sa lumubog ng helicopter.

Na-bother nga lang ang officer sa kanyang nakita.

“Lumusob ang mga body parts. At may kinuha silang dalawang tao na buhay. Obviously, galing sa helicopter natin na bumagsak. Paano nagkaroon ng additional passengers ang helicopter? Ang alam lang naman natin ito lang dalawang sakay at kargamento ang nasa loob?”

“Sir, binibigyan na ho ng immediate attention ang mga galing sa helicopter. Pareho naman ho silang walang damage. Napagod lang sa paglangoy.”

“At trauma, Sir.”

“Wala silang ideya what happened habang lumalangoy sila dito?”

“Wala siguro, Sir. Patalikod sila sa mga lumusob na body parts.”

“Okay. Ang kailangan lang natin ay malaman mula sa kanila kung sino ang dalawa pang sakay ng helicopter. Na tinangay ng mga body parts papunta sa isla.”

“Yes, Sir. For interrogation na ho sila kapag sinabi ng medic natin that they are totally okay.”

SA tabing-dagat, kilala na ni Herman ang mga dumating.

“Ang mga anak ko!”

Tuwang-tuwang napatakbo sa dalawa si Herman. Miss na miss niya ang mga ito.

Pero pinakaimportante ay hindi nasaktan ang dalawang teenagers. Hindi nalunod sa dagat.

At nakarating ang mga ito sa isla.

“Dad!”

“Paano kayo napasakay sa helicopter ng army, mga anak?”

Nagyakap muna ang mag-aama, matagal at mahigpit.

Saka tinitigan ni Herman with appreciation ang mga anak nila ni Marga. “Ang tatapang ninyo, a! Hindi kayo natatakot sa maalon na dagat!”

“Ang galing naman ng mga sumundo sa amin, e! They are cool, Dad! The body parts! Ikaw na pala ang boss nila! Mahal ka talaga ni Mommy! Parang ang dami-dami mong mga sundalo, Daddy! Mga body parts na mababait, parang mga motorized boats kapag sinasakyan sa dagat!” Excited ang teenager na lalaki.

Ang teenager na babae naman, palingon-lingon na, patingin-tingin. Nag-uumpisa nang magutom.

“Sagutin n’yo nga muna ako. Paano kayo napasakay sa military helicopter? Talaga bang dinala kayo ng mga sundalo dito dahil mga anak ko kayo?”

 - ITUTULOY

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with