^

Para Malibang

Zombie Family (217)

Gilda Olividado - Pang-masa

NAKATINGALA nga ang lahat na body parts sa itaas, sa diresksiyon ng helicopter na walang kamalay-malay ang piloto na palihim palang sakay ang mga anak nina Herman at Marga.

Kinikilabutan ang piloto. “Bakit nakatingin silang lahat sa atin?”

“Oo nga! Kinikilabutan ako, ha?”

Si Herman, nagtataka rin. Hindi naiintindihan ang pagtingin sa itaas ng lahat na body parts.

Nataranta siguro ang piloto o kaya, nahirapan na ang makina dahil nga mabigat ang dala, tumagilid ang helicopter.

“AAAAAAHHHHH! Ano ‘to? Ano’ng nangyayari?”

“Nawawalan tayo ng kontrol?”

NAGPA-PANIC din ang dalawang teenagers na nagtatago sa likod ng helicopter kasama ang mga kargamento.

“Kuya, babagsak ang helicopter!”

“Basta kumapit ka na lang!”

“Hindi tayo magaling lumangoy!”

“Bahala na!”

Tuluy-tuloy ang helicopter, bumulusok sa tubig.

Dahil magagaling naman lumangoy ang piloto at isa pang sundalo, nakalayo sila bago pa mawala sa surface ng dagat ang helicopter.

Ang dalawang teenagers, nakalabas din naman. Pero nag-ii-struggle sa tubig.

TAKANG-TAKA na naman siHerman. “Saan kayo pupunta?”

Sabay-sabay ang mga body parts na lumusong at lumangoy sa dagat.

Natakot si Herman sa maaring gawin ng mga ito, nakita niya kasi na papunta sa helicopter na bumagsak.

“K-kakainin kaya nila ang mga tao sa bumagsak na helicopter? Oh, my God! Wala rin pala silang kaibahan kay Marga?”

Nakita ng dalawang sundalong nakaligtas na pasugod sa kanila ang mga daan-daang body parts.

“Humanda ka! Baka ito na ang katapusan natin! Tayo ang dahilan kaya sila papunta dito!”

“Bilisan natin ang paglangoy! Kailangan makalayo tayo!”

Nakalayo sila nang konti pero hindi nawala ang takot. Nakita nilang napapaligiran na ng mga body parts ang bumagsak na helicopter sa dagat.

Pero may kinuha lang pala ang mga ito, ang dalawang teenagers, saka sila agad bumalik sa isla.

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with