^

Para Malibang

Zombie Family (216)

Gilda Olividado - Pang-masa

TININGNAN uli ni Herman ang napakara­ming body parts sa isla. Pati na ang mga nasisilip niya na nandodoon sa sariwang gubat.

Nakatingin sa itaas ang mga ito.

Sa helicopter mismo na lilipad-lipad sa paligid ng isla.

“Ano kaya’ng ibig sabihin nito? Anong me­ron sa loob ng helicopter na iyan at lahat na body parts ay nakatingala diyan?”

Kinabahang bigla si Herman.

“Bomba? Bobombahin na kaya nila kami dito sa isla?”

Pero tingin naman niya ordinary helicopter lang ito na pag-aari ng Armed Forces of the Philippines.

Ni wala siyang matanaw na machine gun.

Saka may napansin pa siya sa sign sa gilid ng helicopter.

“Cargoes, ang sabi! Pang-ordinary cargoes ng military lang, hindi combat helicopter ‘yan! So hindi pambobomba ang misyon niyan dito sa isla!”

Nakahinga naman nang maluwag si Herman. “Sa­lamat sa Diyos. Hindi mga masasamang nilalang ang mga body parts ni Marga kaya hindi nila deserve ang mamatay.”

Sa helicopter, wala pa ring kamalay-malay ang dalawang sundalo na may mga sakay silang dalawang teenagers.

Naaaliw silang nanonood sa isla.

“Ang kapal na nga ng mga body parts na nandidiyan, ano? Pero hindi sila mga nakakadiring tingnan. Hindi nakakatakot.”

“Iyon nga ang sabi rin ng iba nating mga kasamahan, e. At lalo pa raw gumaganda ang isla nang naging body parts na lang ang zombie.”

“Pero iyung lalaking si Herman, ang kabit ni Marga, nandidiyan pa rin siya, hindi ba?”

“Siya siguro ‘yan. Iyang nakatuntong sa malaking bato, nasa gitna.”

“Baka hari na ang turing sa kanya ng mga body parts at napapasunod niya kaya bumabait?”

“Baka. Pero markado pa ring danger ang mga ‘yan, e.”

“Kunsabagay, hindi pa rin ordinaryong pangyayari ‘yan! Mula sa isang mamamatay-taong zombie naging mga body parts! Ang pinagmulan, demonya. Mahirap paniwalaan na mga anghel ang mga body parts niya!”

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with