^

Para Malibang

Zombie Family (215)

Gilda Olvidado - Pang-masa

NAPAKUNOT-NOO rin ang katabi ng piloto. “Ganoon ba? Bakit naman kaya?”

Nilingon ang mga kargamento.

“May nabago ba? Baka may idinagdag habang wala tayo.”

“Wala naman yata. Wala akong napapansin, e.”

“Eh, bakit nga parang bumigat. Hirap tuloy ang makina.”

“Baka pakiramdam mo lang. Nasobrahan yata ang inom mo ng kape, bro.”

“Hindi naman nakakalasing ang kape, lol!”

“Joke lang! Sige na, huwag mo nang intindihin, steady lang naman ang lipad, o.”

“Ganoon ang nararamdaman mo kasi hindi naman ikaw ang piloto.”

“O de, kung gusto mo, pa-check natin kung talaga bang hindi nadagdagan ang mga kargamento.”

“Nakakatamad naman. Mali-late na tayo, papalit tayo kina Madz sa ibabaw ng isla, ‘di ba?”

“Yon naman pala. Lipad na, bro!”

NAKAHINGA nang maluwag ang dalawang teenagers na sakay nila.

Nagbulungan.

“Akala ko, buko na tayo.”

“Tanga ang mga ‘yan kahit pa mga sundalo. Kaya safe tayo dito hanggang isla. Makakapiling na natin si Mommy!”

“Huwag nang maingay.”

Patuloy sa paglipad ang helicopter.

Nasa ibabaw na sila ng isla.

“Hayun ang papalitan natin! Tamang-tama lang dating natin. Muntik na tayong ma-late.”

“Pero hindi pa rin naman late kaya okay lang!”

Maluha-luhang pareho ang mga teenagers nang malamang nasa tapat na sila ng isla.

“Mommy is here!”

“May power naman siguro siya. Sana feel din niya na nandidito na tayo.”

SA ISLA, sabay-sabay na tumingin ang mga body parts sa itaas.

Takang-taka si Herman. “Ano’ng ibig sabihin sa pagtingin nila nang sabay-sabay sa itaas? Anong meron doon? Another military helicopter lang naman ang nakikita ko.”   

 - ITUTULOY 

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with