^

Para Malibang

Guarantor ng ka-friendship na OFW

BUHAY OFW - Pang-masa

Hindi madali ang buhay sa abroad, dagdag pang pahirap sa mga overseas Filipino workers ay makatagpo ng mga sinasabing kaibigan, pero ang plano pala ay magdadala sa kanila sa kapahamakan.

Hindi komo mga OFW ay mayaman, ang totoo ay madalas din silang kinakapos financially. Ang solusyon ay mangutang sa mga kababayan na kaibigan sa ibang bansa.

Walang problema kung marunong magba­yad. Ang malas ay mabait lang sa una, pero sa bandang huli ay maglalaho na parang bula. Okey lamang kung personal na utang dahil hindi man magkita sa abroad, pag-uwi ng ‘Pinas ay puwede pang puntahan ang kanyang bahay. Pero sa sobrang kamalasan ay ginawa pang guarantor ang OFW sa isang loan office sa ibang bansa. Ang problema ikaw na mismo ang pupuntahan ng field officer para singilin ng utang na hindi mo naman kinuha. Ang masakit pa pati reputasyon mo sa inyong amo o opisina ay apektado. Kung nagkataon na domestic helper, bad shot ka sa iyong amo dahil tatawagan at pupuntahan ang tinutuluyan ng walang permiso ang may-ari ng bahay. Masisira ang image sa iyong amo dahil sa pangungutang ng kabayan na ilalagay ka pa sa kompromismo na bayaran ang kanilang utang.

Huwag basta magtiwala, dahil kahit ang mahabang friendship ay hindi guarantee bagkus ay naglalagay sa masamang sitwasyon.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with