^

Para Malibang

Zombie Family (214)

Gilda Olvidado - Pang-masa

PASIMPLENG umikot ang dalawang teenagers, kunwari may hinahanap. May sumita sa kanila na isang sundalo.

“Bakit kayo nandidito? Bawal kayo dito.”

Nakaisip kaagad ng dahilan ang teenager na lalaki. “Hinahanap po namin ang kaibigan ng Tito namin e. Iyung papunta sa isla ng zombie.”

“Bakit?”

“Eh, may pinabibigay ho ang Tita namin. Na girlfriend niya. Pagkain lang ho, pastries.”

Itinaas agad ng teenager na babae ang kanyang maliit na bag. “Nandidito po ang pastries na para po sa kanya.”

“Iyung helicopter na ‘yon ang papunta sa isla.”

“Thank you ho. Pupuntahan na lang ho namin si Tito.”

“Thank you po.”

NAKALAPIT nang hindi masyadong napapansin ang dalawang teenagers sa helicopter na papuntang isla.

Wala pang sakay ang mga ito.

Natuwa sila sa nakita.

“May mga kargamento sa likod ng upuan.”

“Puwede tayong sumiksik.”

“Bilis! Una ka na, ako ang titingin sa paligid. Dalian mo!”

 “Okay!”

Hindi naman nagtagal at dumating na ang dadalawa lang naman palang sakay.

“O, tayo na!”

“Ia-unload ba natin ito sa barko malapit sa isla, itong mga pagkain?”

“Sabi ay daan daw muna tayo sa ibabaw ng isla, tayo ang su-survey sa paligid habang nagpapa-fuel reloading ang helicopter nina Madz.”

“Gaano tayo katagal sa ere?”

“Kapag dumating na siguro uli ang heli nina Madz.”

Narinig ito ng dala­wang teenagers na sumiksik sa mga kargamento sa likod. Natuwa sila.

Makalipad man lang sila sa tapat ng isla, para na rin silang nakalapit sa nanay nila na miss na miss na nila.

May napansin naman ang piloto. “Parang … mabigat tayo kaysa kaninang kinuha natin sa Villamor ang mga ­supplies na ‘yan.”

- ITUTULOY

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with