^

Para Malibang

Zombie Family (213)

Gilda Olividado - Pang-masa

DAHIL nga mga matatalino naman, alam ng dalawang teenagers kung saan ang kampo.

“Okay pala dito. Nakakapasok kahit mga civilians. At may mga istudyante. Akala nila, students din tayo na hindi lang naka-uniform.”

“Sumabay kasi tayo sa mga students kaya di tayo napansin na wala naman tayong ID.”

“Kuya, ang baho na natin. Wala tayong paligo saka hindi nakapagpalit ng damit.”

“Tange! Hindi lang ‘yon ang dahilan kaya mabaho tayo.”

“Ha? Ano pa’ng dahilan?”

“Kumakain tayo lagi ng masarap! Hahaha!”

“Ah, karneng pinakamalambot at pinakamasustansiya!”

“Pero mabaho ang ating hininga! Pati pawis!”

“Buti na lang may pera tayong nakuha sa confinement clinic. Bili tayo ng candy na pampaalis ng bad breath! Hihihi!”

“Tama! Damihan natin ng chewing gum sa bibig!”

“Pero, Kuya … nagugutom ka na naman ba?”

“Hindi pa naman. Marami tayong nakain kahapon, tig-isa tayo, ‘di ba? Kahit buhok, ubos!”

“Oo nga, e. Walang sayang.”

“Oy, may tindahan! Bili na tayo ng candy! Patago ang mukha, ha? Baka makilala tayo!”

“Isusuot ko salamin kong kunwari may grado!”

“Tama! Ako din!”

Bumili nga ng mint candies ang teenager na babae. Patingin-tingin naman sa paligid ang teenager na lalaki.

Namilog ang mga mata nang nakakita ng mga helicopters.

“Heto na, Kuya … candies.”

“Lapit tayo doon. Baka marinig natin kung saan papunta ang mga helicopters na ‘yan. Mukhang paalis, umiikot ang elisi o!”

May mga sundalong parang naghihintay sa tabi ng mga military helicopters. Nagkukuwentuhan ang mga ito.

“Sa Subic daw punta nina Captain Santiago.”

“Akala ko sa isla ng mga body parts ng zombie?”

“Sina Sarhento Mu­rella ang pupunta doon para umikot-ikot pa rin sa ibabaw ng isla.”

Nagkatinginan ang magkapatid na teenagers, na-excite. -  ITUTULOY 

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with