^

Para Malibang

Zombie Family (212)

Gilda Olividado - Pang-masa

SIGURADO si Herman na kagagawan ng mabuting kapangyarihan ang kabaitan ng mga body parts sa isla.

Nawala ang pandidiri niya sa mga ito.

Tingin pa nga niya, nagiging cute ang mga body parts. Lahat na body parts.

Pero nag-aalala siya sa mga nakabantay sa isla, sa mga nasa helicopters, sa mga military ships.

“Tingin pa rin nila sa inyo, masasama. Dapat ay bigyan nila kayo ng pagkakataon.”

PERO tama si Herman.

Dahil may plano na ang gobyerno paano ma-contain ang panganib. Para sa kanila, panganib ang mga body parts.

Dahil nagmula ang mga ito sa zombie na si Marga.

“Alangan namang magbubunga ng mga mabubuti ang ganoong klaseng demonya? Ganoong klaseng kasamaan?”

“So what’s the plan, Sir?”

“Hihingi tayo ng tu­long sa Russia. Para mapasabog ang buong isla at mawala na ang lahat na nandodoon.”

“Pero, Sir … hindi ho ba nang pinasabog ang tent na nandodoon ang zombie Marga, ang resulta ay mga gutay-gutay na body parts? Na nagkaroon ng buhay at ngayon nga dumami pa at lumaki, napupuno nila ang isla?”

“Baka bombang may lason ang dapat.”

“Sir, hindi tayo nakakasiguro …”

“But we have to try. Hindi puwedeng ganyan na lang, nandidiyan lang sa isla ang mga ‘yan. Ano ang susunod nilang gagawin? At paano kung mas dumami pa silas? Buong dagat na rin ba pupunuin nila?”

“Kung wala naman hong ginagawang masama, Sir.”

“But are you sure ganyan sila lagi?”

Hindi makasagot ang may mas mababang ranggong military man.

“Ang konsultasyon tungkol sa gagamiting sandata laban sa mga ‘yan ay magpapatuloy.”

NAGBABASA ng diyaryo ang mga anak nina Marga at Herman. Tungkol sa mga body parts ng kanilang ina sa isla.

“Gusto kong pumunta sa isla, Kuya.”

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with