Karakter: Kita sa galaw ng kamay
1---Sinungaling at manloloko ang taong nananatiling nakasara ang kamao habang ito’y nakalaylay sa gilid ng kanyang katawan.
2---Ngunit kung ilang daliri lang ang tila laging nakasara at hindi ang buong kamao, siya’y maingat at mapagkakatiwalaan.
3---Kung mahigpit ang pagkakasara ng kamao habang nakalaylay ang mga ito, siya’y mahilig makipagbasag-ulo.
4---Ang taong hindi mapakali ang kamay—itataas, maya-maya ay ibababa; o ‘di kaya ay labas-masok sa bulsa—ay may strong character pero kailangang gabayan dahil wala siyang kontrol sa kanyang emosyon.
5---Ugali mo bang i-touch ang kamay o braso ng iyong kausap habang nagsasalita ka? Kung ganoon, ikaw ay mapaghinala sa kapwa.
6---Ang taong walang tigil sa kalalaro ng isang bagay sa kanyang kamay ay excited sa isang bagay.
7---Mahinahon ang taong mahilig pagdaupin ang kanyang mga palad sa kanyang harapan.
8---Hindi tapat makisama ang taong mahilig magkiskis ng palad na parang naghuhugas ng kamay.
9---Ang taong pinagdadaop ang palad sa kanyang likuran ay sobrang ingat kaya’t nahihirapang bumuo ng isang desisyon.
- Latest