^

Para Malibang

Zombie Family (201)

Gilda Olividado - Pang-masa

MABILIS sa tubig ang mga bahagi ni Marga na kasinglaki na niya. Ayaw na niyang isipin kung ilang libo na ang mga bibig at teynga ng zombie.

At iba pang mga bahagi nito.

Puno na ba ang isla?

Ngayon niya naisip na hindi ang Diyos ang nagparusa kina Marga. Hindi pinarusahan dahil ito ay kabit.

Hindi rin pinarusahan ang kanyang mga anak.

Maaring hindi sakop ng Diyos ang mga gumawang zombies ng kanyang kerida at mga anak.

Maaring mga taga-ibang daigdig. Taga-ibang uniberso.

Hindi spiritual ang dahilan kundi siyensya.

Siyensyang ginamit lamang ang kulog at kidlat para tamaan ng kakaibang elemento ang mag-iina niya na pangalawang pamilya.

“But … God … You are the greatest … wala kaming kapangyarihang labanan kung siyensya nga ito. Ikaw pa rin ang sagot.”

At naisip na naman niya … baka siyensya rin ang sagot? Baka gagamitin  din ng Diyos ang science para matalo na ang mga zombies at ngayon mga parte ng zombies na magbibigay sa kanila ng delubyo?

May natanaw siya noong malapit na sila sa isla.

Napakaraming kasinglaki ng may tangay sa kanyang teynga at bibig, mga nagsipaglangoy din papunta sa kanila.

Alam na niya kung ano ang mga ito.

Mga ibang bahagi pa ni zombie Marga.

Mga buhok, ilong, pisngi, mata, pilik-mata, kamay, braso, paa, mga lamang-loob, bao ng ulo.

Napaungol na lang, very horrified si Herman. “Oh, God! Oh, my God!”

INIHATID na lang ni Nikolai si Laurice sa bahay nito. Tinawagan niya ang kanyang driver para kunin ang kotse ni Laurice sa kinaroroonan nila at madala na rin ito sa bahay ng biyuda sa buhay.

In love siya kay Laurice. Awang-awa.

Pero hindi niya magawang samantalahin ang kahinaan nito ngayon.

Pero nagagalit na rin siya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa magawang putulin ni Laurice ang emotional connection nito kay Herman. Kapag nag-file ng annulment si Laurice dahil sa kalagayan nila nga­yong mag-asawa, siguradong mabilis maaaprubahan.

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with