^

Para Malibang

Zombie Family (201)

Gilda Olvidado - Pang-masa

NAKATULOG na si Herman sa isang sulok ng daungan ng mga bangka.

Hindi namamalayang may dumating.

Isang napakalaking korteng teynga.

Teynga nga. May sariling buhay. Gumagapang ito.

Kasinglaki ng taong teynga. Bubuhatin nito si Herman.

Nagising ang lalaki.

Naalimpungatan. “Haaaahhhh?”

Malamlam ang buwan pero kitang-kita niya kung ano ang gustong kumuha sa kanya.

“Teynga ka ni Marga!”

Kumilos ito para makuha si Herman pero nakatakbo si Herman. Gumapang ng mabilis ang teynga.

Mabilis ang takbo ni Herman, paakyat sa burol, palayo sa dagat.

Pero may nakasalubong siya. Kasinglaki naman ng tao na bibig ni Marga.

“AAAAAHHHHHH!” Napa-atras si Herman at nahulog siya pababa.

Nakahanda naman ang teynga sa pagsalo sa kanya.

Natangay na siya nito. Dinala na sa dagat. Kinusot nang malakas ni Herman ang kanyang mga mata.

Gusto niyang isiping bangungot na naman ito. Na magigising siya.

Pero kahit pa anong kusot na ginawa niya, walang nabago. Hindi natapos ang pangyayari.

Karga siya ng teynga na mabilis ang paggapang papunta sa tubig. At nakadikit din sa kanila ang bibig.

Napasigaw na lang si Herman. “God! Pakitulong na naman ho! This is too much! Wala ho ba talaga Kayong magawa sa mga nakakapangilabot na ito?”

Sigaw pa siya nang sigaw sa pagtawag sa Diyos.

“Bakit noong kabit siya, nagawa N’yo siyang parusahan sa kasalanang ‘yon? Pero ngayon  na isang milyong beses na kasamaan at impiyerno na ang idinudulot niya, wala pa ring parusa?”

Puno iyon ng hinanakit. Na normal lang naman kapag ang isang taong napagod na sa mga pagsubok  ay kukuwestiyon na talaga sa pinakamakapangyarihan nang lahat.

Pero wala pang sagot.

Patuloy siyang dina­dala sa dagat ng teynga at bibig ng zombie. Na mga kasinglaki niya. Nawawalan siya ng pag-asa. At ng lakas na lumaban pa. 

 ITUTULOY

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with