^

Para Malibang

Zombie Family (200)

Gilda Olvidado - Pang-masa

NABIGLA man noong una sa halik na iyon si Laurice, natangay naman.

Nakalimot.

Nawala ang takot.

Nakatagpo ng masarap na kanlungan.

Pero naalala na mali nga pala iyon.

Dahan-dahan niyang inilayo ang mga labi. Saka mukha. Naiwang bitin si Nikolai.

“Nikolai … baka … tayo naman ang tamaan ng kidlat at maging zombie.”

Saka natauhan si Nikolai. “Maling-mali nga pala.”

“O baka naman nagkataon lang. Pero mali pa rin ang damdamin nating ito. Hindi puwede.”

“Laurice … puwede naman tayo, e. Kung … hihiwalayan mo ang asawa mo. Gagawin mong legal.”

Nabigla si Laurice sa sinabi ni Nikolai.

Nagkaroon ng drastic reaction.

Galit.

“How dare you, Nikolai!”

At sinampal niya ito nang malakas.

Ikinabigla iyon ng lalaki. Hindi akalaing bawal na bawal pala para kay Laurice ang halikan.

Kahit halos wala na naman itong asawa.

Kahit kung kailan naging zombie si Marga ay saka nito parang  naangkin nang tuluyan ang asawa ni Laurice.

“Alright. I said the wrong things! Pero mali nga ba, Laurice? Tingnan mo what has you become?”

“Huwag mo akong husgahan dahil sa isang lips to lips lang, Nikolai. Dahil nakatulog akong nakasubsob sa dibdib mo! I still love my husband! At wala akong planong talikuran ang marriage vow ko sa kanya!”

“Iba na ang priority  niya, Laurice. He is heroic, hanga nga ako sa kanya, e. Pero unfair sa iyo, sa mga anak ninyo! I am willing to take his place sa buhay ninyo! I’ll take care of you and your kids! Pati nga mga anak nina Marga at Herman basta gugustuhin mo lang, aalagaan ko rin at mamahalin, e! Basta maging totally normal persons na sila, handa ko silang yakapin bilang mga anak din!”

Natigilan si Laurice.

Pero nagmadali nang bumaba sa sasakyan ni Nikolai para makalipat sa kotse niyang nakaparada lang sa malapit. Nikolai and his silly declaration can go to hell!

- ITUTULOY

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with