^

Para Malibang

Proteksyon laban sa leptospirosis

PITO-PITO - Agence France-Presse

Ang leptospirosis ay puwedeng magkaroon lamang ng mild flu gaya ng mga sintomas na luma­labas sa dengue, typhoid, at viral hepatitis.

Ang mga puwedeng sintomas ay may lagnat, nagtsi-chill, masakit ang ulo, at pati ang kalamnan.

Importante na maprotektahan ang sarili at pamilya upang maiwasan ang leptospirosis gaya ng mga sumusunod:

1. Magsuot ng bota kung hindi maiwasan na lulusong sa baha. Laging magbitbit ng payong o kapote lalo na ngayong tag-ulan.

2. Tapalan ang sugat sa paa gamit ang waterproof na dressings.

3. Huwag maglalaro sa baha. Sabihan ang mga bata o anak na huwag la­langoy sa baha na maaa­ring may pontensyal na kontaminado ang tubig.

4. Maghugas lagi ng paa o kamay. Mas mainam na maligo o mag-shower pagkatapos sumulong sa baha.

5. Linisin ang sugat

6. Huwag hahawakan gamit ang kamay ang may sakit o patay na hayop.

7. Uminom ng malinis na tubig. Kung hindi sigurado ay pakulaan ang inuming tubig.

Kapag nakaramdam ng mga sintomas ng lep­tos­pirosis ay magpa­konsulta agad sa doktor.

Kung na-expose sa kontaminadong tubig ay iwasan ang self-medication ng antibiotic, kundi magtanong sa health expert bago uminom ng gamot.

vuukle comment

LEPTOSPIROSIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with