^

Para Malibang

Zombie Family (186)

Gilda Olvidado - Pang-masa

PARANG nahihiyang sabihin ni Nikolai kay Herman ang kanyang nalaman. “Well, please don’t get slighted.”

“Nikolai, bakit ganyan ang salita mo?”

“Baka kasi masamain mo kapag sinabi ko na hindi totoo ‘yung nakita mo noong nasa dagat ka. Wala talagang nakitang mga zombies sa isla, Herman. Malinis ang buong isla.”

“Okay, so it’s true nga na mirage lang ‘yon? Ilang araw na ba mulang nakuha kami sa dagat?”

“Almost one week na rin, Herman.” Si Laurice ang sumagot.

“And almost everyday, nagpapadala ng sighting helicopter ang military doon. Para malaman kung may pagbabago bang makikita.”

“So for one week, may sighting report of the island?”

“Yes, Herman. Ang walang nabago. Napakalinis pa rin ng isla.”

“Alright. Nandoon na ako, hallucination lang iyon dahil sa gutom ko at uhaw. Pero huwag nilang sabihin na naniniwala silang safe na ang isla? Pareho kami ni Dindo, nakita namin ang mga pira-pirasong Marga na lumaki, binaon ang mga sarili sa buhanginan, at may mga hayop silang pinatay.”

“No. Wala namang ganoong pronouncement ang military. That the island is free of danger. Off limits pa rin ang isla sa kahit sino.”

“Thank God!” Nakahinga nang maluwag si Herman.

“But of course, napantastikuhan ang mga nasa itaas sa kuwento ninyo ng head ng task force. Mga pira-piraso, nabuhay, lalong dumadami, pumapatay.”

“At iyan ang nakakatakot, Nikolai. Because maybe they will be bold enough to defy the danger. Baka sa susunod na magpapadala sila ng mga helicopters doon ay pababain na nila ang mga tao o sundalo.”

“As of now, di ko pa alam kung ano ang mga disisyon nila. I hope wala silang mai-endanger kahit mga sundalo.”

“Kung puwede nga lang bang sunugin na ang buong isla. Para pati si Marga masunog na.”

Nag-react si Laurice. “Herman. Marga the zombie is evil. Pero ina pa rin siya ng mga anak ninyo. So please, dahan-dahan sa pananalita.”

“Laurice, akala ko matatahimik na ako. But no. Nang lumayas ako sa isla para bang ang laki ng kasalanan ko. Wala ako doon to help kapag may sasalakayin na naman si Marga. Sanay ako na kapag papatay siya, napipigilan ko siya!”

 “Pero ano ang pipigilan mo ngayon? Ang mata, ang teynga, ang ilong, ang kapirasong bibig? Nag-evolve na ang zombie, mahirap nang kontrolin.”  

-ITUTULOY

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with