^

Para Malibang

Zombie Family (185)

Gilda Olvidado - Pang-masa

NAGPAPAHINGA na si Herman.

Pagod na pagod pa rin ito sa dinanas sa dagat.

Si Laurice ay ginustong tumigil sa chapel para magdasal.

Kilabot na kilabot siya sa mga ikinuwento ni Herman.

Tinatanong niya ang Diyos. “Totoo po kayang pagkatapos dumami at maglakihan  ang mga body parts ni Marga ay naging Marga na ang mga iyon na pumupuno sa isla? Kung napakarami na pong zombie Marga … paano na ang mga tao? Gusto ko lang pong itanong, sorry po kung nagtatanong ako, bakit po hinahayaan Ninyo na magkakaganito na? Divine intervention lang po sana. Sana po ay matatapos na ito.”

ANG head ng task force na si Dindo ay maayos na rin naman. Treated na ang dehydration. At kapiling na ang asawa at tatlong anak.

“Akala ko talaga ang daming bottled water sa dagat. Gusto kong makakuha para makainom na ako. Pero wala akong nakuha.”

“Mirage ang tawag doon, Darling.”

“You’re right. Nagha-hallucinate na ako dahil sa hirap at dehydration.”

“Siguro may iba ring hallucinations si Herman.”

“Natatandaan ko pa ang mga sinabi niya. Dumami raw ang zombie na si Marga sa isla. Punung-puno na raw ang isla. Noong una raw, ang pumuno raw sa isla ay ang mga naglalakihan nang mga body parts ni Marga na dumami. Then they become Marga themselves.”

“Darling, nandidito pa ang mga bata. Tigilan mo na muna ang pagkukuwento kasi matatakot sila nang husto. It’s so horrifying. Sana hindi totoo. Sana mirage lang din ‘yon ni Herman.”

“Kahit  ba nasa Amerika tayo, Mommy, Daddy … mararating pa rin tayo ng napakarami nang zombies?”

“No, no, anak. Don’t think that way. Kaila­ngan positive. Di ba, Darling?”

“Yes. You see, nabuhay pa rin ako, nakaligtas. So ibig lang sabihin, hindi imposibleng maa-annihilate din ang mga zombies.”

Hindi pa maseryoso ng mga military high-rankings ang deklarasyon o testimony nina Herman at Dindo.

Dahil nga rin kagagaling lamang ng mga ito sa isang napakahirap na dinanas sa dagat.

“We have to be sure na hindi lang hallucinations ang mga nakita o sinabi nilang nangyari sa isla.” - ITUTULOY 

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with