^

Para Malibang

Tagong daan sa France, nagpapakita lang kapag low tide!

RAMPADORA - DC - Pang-masa

Kilala ang bansang France sa magaganda nitong bayan, mga beach, bundok at nature. Mayaman din ang nasabing bansa sa kasaysayan, architecture at kultura. Pero alam niyo ba na maski ang mga daanan nila ay nakamamangha at punum-puno ng hiwaga? Isa na rito ang Le Passage du Gois, isang tagong yaman at national monument ng France.

Matatagpuan ang Le Passage du Gois sa Atlantic coastline, ito ang nagdudugtong sa Noirmoutier island at Beauvour-sur-Mer. Tinatayang may 2.5 mile na haba ang daan nito kung saan makikita rin ang napakagandang landscape ng mudflats at mabuhangin na beach.

Hindi matukoy kung saan galing ang salitang ‘Gois’ sa pangalan nito, pero ayon sa iba, mababaw na lugar lamang daw ang ibig sabihin nito, habang ang iba naman ay sinasabing galing daw ito sa Latin slang word na ‘guazzare’ na ang ibig sabihin ay mag-lublob sa mababaw na putikan.

Samantala, ang pinaka nakakamangha pa sa nasabing daan ay minsan lamang ito magpakita.

Dahil sa paglaki ng tubig, binabaha ang daanan ng dalawang beses sa isang araw. Maaari lamang itong daanan kapag low tide na, kapag lumipas na ang isa’t kalahating oras bago at pagkatapos ng tide.

Taun-taon ay napupuno ng mga bisita ang Le Passage du Gois para saksihan ang ‘himala’ na ginagawa ng daan, ang iba naman ay nangongolekta lang ng clams at oysters.

vuukle comment

LE PASSAGE DU GOIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with