^

Para Malibang

Sintomas ng leptospirosis

PITO-PITO - Pang-masa

Akala ng maraming nagkakasakit ngayon na komo nilagnat ay dengue agad ang iniisip. Ngayong panahon ng tag-ulan at baha ay nauuso rin ang sakit na leptospirosis.

Alamin ang mga signs at symptoms ng mild na leptospirosis.

1. Nagkakaroon ng lagnat at nagtsi-chill

2. Inuubo

3. Nakararanas ng diarrhea, nagsusuka, o parehong nai-experince ang pagsusuka o pagdudumi.

4. Masakit ang ulo at masakit ang tiyan

5. Masakit ang mga muscles o kalamnan lalo na ang lower back at likod ng tuhod o binti

6. May lumalabas na rashes o butlig sa katawan kaya inaakalang dengue

7. Namumula ang mga mata o irritable ang mata. Naninilaw ang mga balat.

Maaaring marami sa mga nabanggit ay mapagkamalan ng ibang sakit. Puwede rin ang indibidwal ay walang symptoms ng mga nasabing items.

Kapag na-expose ang tao sa kontaminadong tubig o lugar ay nagkakasakit agad sa loob ng dalawang araw na inaabot minsan ng apat na linggo.

Meron din na nakararanas ng unang phase ng leptospirosis na may lagnat, masakit ang ulo, may muscles pain, nagsusuka o may diarrhea ang pas­yente, pero nakaka-recover agad mula sa sakit.

Pero kapag tinamaan ng severe na case ng lep­tos­pirosis, na tinamaan agad ang kidney o nagkaroon ng liver failure o meningitis, ang sakit ay inaabot ng tatlong linggo o higit pa. Kapag walang treatment, ang recovery ay tumatagal ng ilang buwan.

Importante na magpakonsulta sa iyong doktor kapag nagkasakit. Upang ma-assess ang iyong ka­ramdaman. Iwasan ang mag-self-medication, upang maagapan at ‘di na lumala ang sakit.

vuukle comment

LEPTOSPIROSIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with