^

Para Malibang

Pagsiklab ng negatibong emosyon

MOVE ON NA TEH! - Miss Violet - Pang-masa

Lahat ay nakararanas ng emosyon mula sa early age. Pagdating sa adulthood ay madalas sinusubukan na harapin ang magulong buhay mula sa iba’t ibang emosyon na nakukuha sa mga karanasan upang mabago ang sitwasyon o kinakaharap.

Ang abilidad na makaramdam o tumugon sa ating emosyon ay madalas na binabalewala. Minsan lamang tumitigil para mag-isip at magpokus sa atensyon sa kung ano ang nararamdaman.

Hindi iniisip ang puwedeng maging impact sa ating mental at physiological na kalagayan, o maging sa long-term na implikasyon kung pinipi­gilan ang emosyon na puwedeng magpahamak sa atin.

Importante na malaman ang pagkakaiba ng emosyon sa kung ano ang nararamdaman. Ang emosyon ay inuugnay sa ‘lower level response’. Ito ay nakapaloob sa subcortical areas ng brain gaya ng amygdala at ventromedial prefrontal cortices. Ito ang mga responsable sa paglabas ng biochemecial reaction na direkta ang impact sa sitwasyon ng katawan.

Ang emosyon ay coded sa ating DNA na naka-develop upang makatulong sa pagtugon sa mabilisang reaksyon sa ating paligid tulad ng panganib na fight o flight response. Ang role rin ng amygdala ay pag-release ng neurotransmitters na mahalaga sa ating memory, kung kaya mayroon tayong emotional memories na malakas at madaling ma-recall sa ating isipan. 

Ang label ng negatibong emosyon ay importanteng malaman kahit pa sabihing normal lamang itong maransan. Bahagi ito sa ating DNA. Ang importane ay maunawaan kung bakit o kailan ang negatibong emotion ay puwedeng sumiklab, pero maaari pa ring i-develop sa positibong behavior kung matututunan na i-address ito.

vuukle comment

DNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with