^

Para Malibang

Zombie Family (174)

Gilda Olvidado - Pang-masa

PUMAYAG naman si Herman sa suggestion ng head ng task force. Kaya nga niya itong pasanin.

Mas malaking tao naman kasi siya.

“Okay, halika na, Sir.”

“Pasensya ka na. Gusto ko lang naman kasing magkaroon tayo ng pag-asa na huwag makulong dito.”

“Don’t worry. Naiintindihan ko. At sigurado akong kaya kita.”

Pumasan na nga ang head ng task force kay Herman.

Nakaya naman ni Herman.

Lumabas na sila ng gubat. At dahan-dahang tumapak si Herman sa buhangin.

Wala siyang naramdamang may gumagalaw sa kanyang paa.

“What do you think? May mga natatapakan ka bang posibleng mga pira-piraso ni Marga?”

“Wala. Malinis ang bawat tapak ko.”

“Good. So baka hindi pa nakakarating sa area na ito ang mga pira-pirasong Marga?”

“Posible. But anything can happen, mahirap hulaan. O, balance ka lang, Sir ha? Hindi tayo puwedeng matumba.”

“O mahulog ako. I know what will possibly happen.”

“Basta tuloy lang natin ito. Just trust me. Believe na makakarating tayo sa dagat.”

 “Salamat, Herman. Nahihiya rin naman ako sa iyo. Nahihirapan ka sa akin. Makaligtas lang ako.”

“That is my duty, Sir. Bilang kapwa tao.”

Patuloy sa maingat na paghakbang si Herman. Mga tatlong dipa na sila mula sa nilabasan nilang maliit na gubat.

Nang biglang huma­ngin nang malakas, mula sa dagat. Hindi iyon inaasahan ni Herman.

May mga dahon pang lumipad. May ilan na tumama sa kanila. Ang isa, malas na sa mata pa ni Herman tumama.

Kaya napaigtad siya dahil masakit. Nawalan siya ng balance dahil may nakapasan sa kanya.

“Herman, matutumba ka yata!”

“Yes, Sir! I mean, no Sir! Pipilitin kong huwag matumba!”

“Herman, hindi ako dapat mahulog baka iyon lang ang inaabangan ng mga pira-pirasong Marga!” -  ITUTULOY

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with