^

Para Malibang

Zombie Family (173)

Gilda Olvidado - Pang-masa

KINIKILABUTAN sina Herman at head ng task force.

“Maaring buong buhanginan ay nalilibingan na ng mga pira-pirasong Marga.”

“Pero may pag-asa. Dahil, bakit hindi kinakain ng mga pira-pirasong ito ang lahat na nakakarating diyan?”

“Namimili nga lang kaya siya?”

“O meron talagang oras o bagay na ayaw niyang kainin?”

“Kung ganoon puwede tayong makipagsapalaran?”

“Para ano pa, Sir? Makatawid man tayong buhay sa buhanginan, paano tayo makakatawid sa dagat?”

“Nakita mo ba na may mga debris na itinatambak ang mga alon sa dalampasigan, Herman?”

“Mga troso, mga metal! Teka, ano ‘yon?”

Nadala ng head ng task force ang kanyang telescope. Ginamit kaagad ito.

“You won’t believe it!Inilutang ng dagat ang sirang helicopter, ang helicopter na sinakyan ninyo ng mga turistang pinatay ni Marga!”

“Puwede tayong kumapit sa mga ‘yan, puwede tayong makarating sa laot at maaring may dumadaang barko.”

“Right!Makukuha tayo!”

Pero biglang nanlumo si Herman.”Nangyari na sa akin ‘yan. Muntik na nga akong makasampa sa barko pero nahabol ako ni Marga sa dagat.”

“Buo pa noon si Marga. Hindi pa siya nagkapira-piraso kaya nakalangoy siya at nahabol ka.”

“Lahat na lang naman kasi na imposible, nagagawa niya!”

“Kanina, ako ang nawawalan ng pag-asa. Ngayon naman, ikaw. Hindi puwede ang ganito, Herman. Dapat buo tayong may pag-asa para magkakatulungan. Kailangang makauwi tayo sa ating mga pamilya.”

“So … okay, tatawid tayo sa buhanginan hanggang diyan sa dagat na may mga debris na puwede nating kapitan? Aasa tayo na hindi tayo kakainin ng mga pira-pirasong Marga? Kung ako lang, confident ako. Hindi talaga ako sinasaktan ni Marga. Siguro kahit mga pira-piraso niya, kilala pa rin ako, hindi pa rin ako sasaktan. Pero paano ka, Sir?”

“May paraan. Mas malaki ka namang tao kaysa akin!Puwede mo akong pasanin, Herman!” -  ITUTULOY

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with