^

Para Malibang

Zombie Family (167)

Gilda Olvidado - Pang-masa

NAPATANGA si Herman.

Kumurap lang siya. Kurap lang!

At biglang nawala ang mga pira-pirasong Marga.

“Nasaan? Talaga bang ganoon kabilis na­wala? Kumurap lang, isang kurap lang! My God, bakit nagkakaganoon? Habang tumatagal, nagkakaroon pa yata nang sobrang galing si Marga!”

Gusto niyang lumapit.

Para matiyak kung wala na ba talaga sila doon, gusto niyang lumapit. Nagtatago na kasi ang buwan, hindi na masyadong maliwanag, maaring pinaglaruan lang siya ng kanyang mga mata.

Padahan-dahang humakbang si Herman patungo sa labas ng gubat. Titingnan niya kung wala na ba talaga o baka dapang-dapa lang sa buhangin ang mga pira-pirasong Marga kaya mukhang wala na roon.

Humakbang siya uli ng dalawa.

Malapit na siya sa labas ng gubat.

Hahakbang ng isa pa.

At isa pa sana at siguradong nasa labas na siya ng gubat.

“Huwag!”

May humawak sa kanyang balikat, matatag na kamay.

Paglingon niya, natuwa siya. “Sir!”

Ang head ng task force.

Buhay na buhay pala ito.

“Akala ko nakasama ka na sa mga nabiktima!”

“Siguro dahil duwag ako …”

Nakita ni Herman ang lungkot at pagsisisi.

“Hindi mo kasalanan. Ako ang may kasalanan. Hindi ko kaagad naisip. Na mas dangerous si Marga kapag nagkagutay-gutay.”

“Naalala ko rin ‘yung sinabi mong nasa helicopter kayo at namatay ang mga turista. Dahil sa iisang daliri ni Marga. But … it was too late nang ma-realize natin …”

“Paano ka nakatakas?”

“Naniwala ako sa sinabi mong kaligtasan ang gubat kaya nang nakita kong walang laban ang mga baril namin, tumakbo na ako dito. Sinabihan ko ang iba pero hindi yata sila naniwala. Mas natakot sila sa gubat. Sa ibang parte sila tumakbo at doon ay nahabol sila ng mga pira-pirasong Marga.”

“Nawala na ang mga pira-piraso. We have to make it sure, saan sila nagtago. I think sa loob uli ng buhangin. H-Hindi kaya lalo silang dadami?”- ITUTULOY

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with