^

Para Malibang

Zombie Family (162)

Gilda Olvidado - Pang-masa

Pati ang tent na sumaklob kay Marga ay halos magkagutay-gutay na.

At wala nang kumikilos sa loob ng tent.

“I think she is dead! I hope!” Sabi ng head ng task force.

Nag-suggest si Herman. “Pabayaan na lamang muna natin siyang ganyan. Hindi safe kapag bubuksan natin ang tent, sisilipin natin siya.”

“I think you’re right, Herman.”

“Maghintay tayo ng ilang oras. Pero naka-ready ang mga high-powered guns ninyo. Just in case.”

Tumango ang head ng task force.

Sabay tapik kay Herman. “I’m sorry. Alam namin kung sino siya sa buhay mo. Hindi namin gustong mangyari ito sa kanya.”

“Mas importante ang buhay ng mga bibiktimahin ni Marga.” Pero ang totoo natural lang na masakit din sa loob ni Herman ang nangyayari.

Kita nilang nakatumba ang zombie sa loob ng tent, halos nakadapa ito sa buhangin.

At wala pa ring kakilos-kilos.

“Pero naninigurado ang head. “Watch out, men. Don’t even blink. She’s a wise zombie.”

“Yes, Sir. Ibinaon niya ang sarili niya sa buhangin para hindi siya makita.” Sagot ng isang sundalo na isa sa mga may hawak ng high-powered arms.

“Herman, halika sa aking tent. Hindi pa tapos ang mga pagtatanong ko sa iyo. Para na rin maipadala ko ang report sa Maynila.”

“Yes, Sir.”

Muling nilingon ni Herman ang bagsak at gutay-gutay na tent. Kung saan nasa ilalim si Marga.

Napabulong siya. “Masakit man. Para rin sa ating mga anak. But I really want you dead, Marga. Gusto ko na ring makalaya sa iyo. At wala nang mamamatay sa napaka-horrifying na paraan.”

Sumunod na siya sa head ng task force.

Pinag-dinner muna ng head si Herman.

Normal na dinner, gutom si Herman. At pagod. Emotionally, affected. Pero nakipagtulungan siya.

 Lahat sinabi sa head ng task force.

Nasiyahan naman ang head, agad pinadala sa Maynila ang buong report.

“Puwede ho bang ipaalam na rin sa aking asawa at mga anak na buhay pa ako at nandidito lang ako?”

“Yes. We will inform them. Pero hindi ipa-public. May karapatan ang pamilya mo na ma-update ang tungkol sa iyo.”-  ITUTULOY

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with