Gamot na pampabango ng utot, nauuso!
Sino ang makapagsasabi na ang mabahong utot na inilalabas mo sa iyong katawan ay puwede nang magkaroon ng mabangong flavor at amoy na hinding-hindi mo ikakahiya?
Ang French inventor na si Christian Poincheval ay naka-imbento ng tabletas na may kakayahang makapagpabago ng amoy ng iyong utot. Mula sa amoy na rosas, tsokolate, at maging amoy luya ay puwede na rin.
Ang tabletas na 100% diumanong natural ay ibinebenta ng kumpanyang Lutin Malin na nagsimulang ilabas noong 2004.
Naisip ni Poincheval ang ideyang ito nang maranasang mautot sila ng kanyang mga kasama sa isang kainan.
“We were at table with friends after a copious meal when we nearly asphyxiated ourselves with our smelly farts. The gas wasn’t that great for our table neighbors. So something had to be done about this. You can disguise the sound of a fart but not the stench,” pagkikuwento niya.
Marami nang napanalunang award si Poincheval sa Concours Lepine, isang French inventor expo. Bukod sa tabletas, nakagawa na rin siya ng printable toilet paper.
Sa unang subok, gumamit si Poincheval ng mint o estrogen, pero hindi masyadong maganda ang kinalabasan nito, kaya naman naisipan niyang gumamit ng dietary supplement ingredients na siyang nakapagpaganda ng kanyang produkto.
Ayon sa kanila, hindi sapat ang isang tabletas lang para tumalab ang bango nito, inirerekomenda nila ang dalawa hanggang anim na tabletas sa isang araw para ma-digest ang aroma.
Kakaiba ang paraang ito, pero marami na raw ang satisfied customer na bumibili sa kanila at gustung-gusto ang epekto.
- Latest