^

Para Malibang

Zombie Family (161)

Gilda Olvidado - Pang-masa

ANG pangalawang sundalo na nasa malapit ay gustong barilin ang zombie. Alam niyang hindi na maililigtas ang kanyang kasama.

Pero pinairal ang tapang.

Kailangan niyang mapatay o kundi man masaktan ang zombie.

Bumaril, tumama.

Pero lumusot lang ito sa butas-butas nang katawan ng zombie. Parang bale-wala lang.

Hindi pinansin. Patuloy lang sa pagkain ng unang sundalo.

Umatras ang pangalawa, kitang hindi siya mananalo. Pero dahil hindi nakatingin sa pag-aatras, ang mga paa ay nasalabid sa pundasyon ng tent.

Natumba, patihaya.

Hindi kaagad nakabangon, naunahan na ng nerbiyos nang mabilis na nakalapit ang zombie.

Halos kalahati na ang nakain sa katawan ng unang sundalo. Kaya parang iniwan muna.

Gustong simulang kainin naman ang pangalawang sundalo.

Hinila nito paitaas ang pangalawang sundalo at inupakan kaagad ang ulo.

Ang naabutan nina Herman at ng head ng task force ay ang eksenang ito. Nakalabas na rin ang iba pang sundalo.

Nag-order kaagad ang head ng task force.

“Aim! Fire!”

Umulan ng mga bala. Dahil ubos na rin naman ang ulo ng pangalawang sundalo,  hindi na pinroblema kahit tamaan pa ito.

Pero bigo ang lahat.

Dahil hindi man lang napatumba si Marga. Lalo pa nga itong tumapang. Sinunggaban naman ang pangatlong sundalo.

At ano pa nga ba kundi kinain.

Pero hindi nasiraan ng loob ang head ng task force. Nang pumasok si Marga sa isant tent, binaril ng head ang mga tali ng tent.

Tumaklob ang tent sa zombie. Parang na-trap na ito.

“Now, fire!”

Nag-fire nga ang mga sundalo.

May kinuhang mas malakas na armas ang head ng task force. Tinawag ang tatlong sundalo.

“Let’s use these! C’mon! Dapat mapulbo natin siya! Habang nandidiyan sa loob ng tent ang zombie, let’s destroy her with these high-po­wered guns!”-  ITUTULOY

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with