^

Para Malibang

Zombie Family (155)

Gilda Olvidado - Pang-masa

NAPAISIP ang sarhento.

Kinutuban.

Takbo siya kaagad sa tent ng head ng kanilang misyon.

Gising na ito, nag-aaral ng mga strategies.

“Sir! Tingnan n’yo ito!”

Inilagay ng sarhento ang nakuhang metal sa mesa ng head.

Dinampot naman ito ng head, pinag-aralan.

“Logo ito ng isang brand ng helicopter!”

“Sir, ibig sabihin sa dagat bumagsak ang hanap nating helicopter?”

“Not too fast. Aalamin muna natin sa Crame. Send this image.”

“Yes, Sir!”

UMIIYAK si Laurice, awang-awa sa mga anak nina Marga at Herman.

“Makakabalik pa kaya ang mga batang ito sa pagiging normal?”

“Marami na rin namang medical breakthroughs ngayon. We can hope.”

“Nikolai, salamat sa pagbibigay ng pag-asa. Pero ewan ko ba, ang hirap nang umasa.”

“I understand. But hope is the only weapon that can make us courageous.”

“Idadaan ko na rin lang siguro sa dasal. Mas mara­ming milagro sa pagdadasal.”

“Puwede namang pagsabayin. Spiritual and earthly hopes.”

“Yes, I’ll do that. Pero uuwi na muna ako, ang mga anak ko naman ang aasikasuhin ko. Very much bothered din sila. Natatakot. Mga half-siblings pa rin nila ang mga teenagers na ‘yan. Tulad ko, natutunan nang mahalin. Wala na nga ang kanilang ama, hindi ko pa masabi sa kanila na kaya hindi makauwi ang kanilang half-sister and half-brother ay dahil nandidito at … ganyan ang kanilang kalagayan.”

Hindi na lang atraksiyon.

Nakadama na rin nang sobrang awa si Nikolai kay Laurice.

Kailangan nito ng makakapitan.

At gusto niyang ibigay kaya dahan-dahan niyang niyakap si Laurice.

Na kumapit naman sa ino-offer niyang support. Napayakap na rin ang babae kay Nikolai.

“Ang hirap, Nikolai … ang hirap.”

“Nandidito lang ako. I’ll always be here for you.” Hikbi na lang ng hikbi ang ginang. Nga­yon lang nailabas ang lahat na sakit sa dibdib. - ITUTULOY

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY (

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with