^

Para Malibang

Zombie Family (148)

Gilda Olvidado - Pang-masa

NAKAPASOK na nga sa maliit na gubat si Herman. Na hindi kayang pasukin ni Marga dahil napakabango at napakapuro ng amoy ng gubat. Wala namang pakialam ang zombie na lutang na lutang pa rin sa kaligayahan dahil nakarami ng sexual encounters kay Herman.

Nang nasa loob na ng gubat si Herman, saka siya nahapo nang husto. Mula sa trauma sa pagkamatay ng mga turista.

Hanggang sa pagbagsak ng helicopter sa dagat. At nagtangka pa siyang makarating sa barko pero hindi natuloy.

Dahil nahabol siya ni Marga.

At ngayon balik siya sa isla. Trapped sa gubat. Para na ring trapped kay Marga.

Lalaki man at pinatibay na ng mga karanasan sa mga zombies, napaiyak si Herman.

“Hanggang kailan ba ito? Hindi ko na nakikita ang asawa at mga anak ko! Ilang tao pa ba ang kakainin ni Marga? Ilang pakikipagtalik pa na masuka-suka na ako?”

SI Nikolai, hindi maintindihan ang attraction kay Laurice. Alam niyang may asawa na ito.

Pero magkaedad lang sila ni Laurice at napakaganda nito kahit simple lang. Kita rin niya ang strength at tapang nito.

Dahil siguro sa mga pinagdadaanan. Kaya sinikap niyang mapalapit dito.

“May easy access din naman ako sa kinaroroonan ng mga anak nina Marga at Herman, in a way connected din ang negosyo ko sa kanila … so if you have any concerns maybe I can help, Laurice.”

“Talaga lang ang concern ko ay ang welfare ng mga bata. Kahit delikado sila, kahit pa zombies sila, mga teenagers pa lang at mga anak din ng aking asawa. Sa ibang babae nga lang.”

“Bilib ako sa malasakit mo sa kanila.”

“Sana mapagaling pa sila. Minsan na silang napagaling ni Dok. Pero paano? Hanggang nga­yon hindi natin alam kung nasaan na ang doktor na iyon. Missing pa rin.”

 “Ayoko ngang isipin na may nangyari na sa kanya. But the tests on these two young people will be out … malalaman natin kung merong mga palatandaan na nakain din nila ang doktor.”-   ITUTULOY 

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with