Zombie Family (145)
NOONG yakap na ni Herman ang zombie, sumenyas siya at sumigaw sa mga tao sa barko. “Alis na kayo! Alis naaaa! Papatayin niya kayong lahat! Kaya niyang gawin ‘yon!”
Ang mga pasahero ang unang natakot nang marinig nila ang isinigaw ni Herman.
“Narinig n’yo ba ang sabi niya?”
“Kailangan daw umalis kaagad tayo dahil kaya tayong pataying lahat ng zombieng ‘yan!”
“Zombie?”
“Diyos ko, marami nang napatay ang mga zombies, a! Tiyak na totoo ang sinabi ng lalaki!”
“Eh, bakit siya nakayakap diyan? Patay na ‘yan, ang baho! Nakakadiri siya! Ano kaya ang gimik niya?”
“Pero huwag na tayong mag-isip na gimik ang sinabi ng lalaking ‘yan! Klaro naman na pumapatay ang mga zombies, ayaw pa ba nating maniwala?”
“Tama! Nagsasabi man ng totoo o hindi ang lalaking ‘yan, basta lumayo na ang barko ngayon din! Delikado tayo!”
“Sir, ano pa hinihintay natin? Patakbuhin na ang barko, bilisan!” May isang pasahero ang nag-demand na.
Na sinundan naman ng iba. “Pinipigilan lang ng lalaking ‘yan ang zombie! Pero hanggang kailan? Alis na tayo rito! Larga na ang barko!”
Dahil papatindi na ang panic ng mga tao, nagdisisyon na rin ng pabor ang kapitan. “It is one life against so many. Kaya prepare immediately for leaving fast of this area!”
Mabilis kumilos ang lahat na officers at crew.
Hindi nagtagal at umaandar na ang barko, mabilis.
GALIT na galit ang zombie nang makitang palayo na ang mga kakainin niya. Nagagalit siya kay Herman.
Gusto niya itong sakalin, kagatin, kainin.
Pero hindi natuloy.
Mabilis na ginawa ni Herman ang sakripisyo niya. Ang nakakadiring pag-feed ng sex kay Marga para hindi na magutom ang bibig at sikmura ng zombie. Bumigay naman kaagad si Marga.
Sa gitna ng dagat “pinapatay” na naman ni Herman ang sarili. At para masigurong ligtas ang mga taga-barko, na hindi na ito mahabol ni Marga, inulit pa ang nakakadiring lovemaking. Hindi lamang minsang inulit.
Ginawang dalawa.
Naging tatlo.
Naging apat.
Hanggang sa nawalan na ng malay si Herman dahil sa pagod.
Itutuloy
- Latest