^

Para Malibang

Zombie Family (143)

Gilda Olividado - Pang-masa

HALOS abutan na ni Marga si Herman.

Kitang-kita na rin ng dalawang crew na parehong may hawak na telescope ang nasa likod ni Marga.

“Hindi siya ordinaryong tao! Halos bungo na at nabubulok ang mukha at leeg!”

“Iyan ‘yang zombie na Marga ang pangalan! Nabasa ko! Zombie sa Maynila ‘yan na nawawala!”

“Papatayin siya!”

“I-drop na ang kakapitan niya! Kailangang maitaas siya kaagad bago maabutan! Quick!” Utos ng kapitan, kinikilabutan.

Pero ang rescue crew at kapitan ay matibay ang loob.Hindi madaling mataranta.

Ang focus ay kung paano makuha si Herman bago abutan ng zombie.

ANG mga anak nina Marga at Herman ay naka-secure sa high tech na confinement.

Hindi tulad doon sa clinic-laboratory, madali ang pagtakas. Ang pinto kasi ay ordinary lang.

Dito, digital. Computerized.

Pati ang wrist locks ng dalawang kabataan na zombie ay hindi rin madaling tanggalin.

Kapag kinagat, mapapaso ang dalawa dahil magti-trigger ng init sa wrist locks kapag may activity na madi-detect nito na struggle.

Nang magutom, nagwawala na ang dalawang kabataang zombies. Dahil gutom at walang pagkain  at hindi sila makaalis, nagalit ang mga ito.

Doon na muling nag-manifest ang pagka-zombie.

Muling umitim ang mga mata at mga paligid nito, lumabas at humaba ang kanilang dila, tumalas ang mga ngipin.

Ang mga tao sa confinement ay nasa viewing monitor lang.

Kita na nila ang pag-change ng mga itsura.

“Mga zombies na sila. Watch out sa mga gagawin nila!”

“They are both planning to get their teeth to the wrist locks!”

“We’ll see what will happen!”

Paglapat ng bibig ng dalawang kabataang zombies sa wrist lock nila, umusok agad ito at may ignition talagang nangyayari.

Matinding pagkapaso ang nangyari sa bibig ng dalawang teenager.

Napasigaw at napaungol nang nakaka­kilabot. Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with