^

Para Malibang

Zombie Family (141)

Gilda Olvidado - Pang-masa

PAGOD na pero ang intensiyon na makalayo nang tuluyan kay zombie Marga nagpapatuloy ang energy ni Herman na mabuhay.

Hindi magaling lumangoy pero nagawa namang umusad papunta sa barko.

Medyo malayo na siya kay Marga.

Na busy pa rin sa panginginain ng mga katawan ng mga turista na pinagpira-piraso na.

Pero ang mga mata ay nakatutok kay Herman na langoy pa rin nang langoy patungo sa barko.

ANG mga anak nina Marga at Herman ay very securely locked sa isang high tech na kulungan.

Nasa isang mas malaking laboratory sila na guwardiyado ng mga sundalo.

Nakunan na ng blood test at iba pang tests.

Nakumpirma na ng may edad na babaing head ang laman ng digestive organ ng dalawang teenagers.

Pati ang dugo ng mga ito na-analyze na rin.

Ang head ay kinilabutan. “They have now normal appearances. Pero sa CCTV nina Nikolai nakita natin ang malaking kaibahan ng kanilang mga itsura. Hindi man mukhang nabubulok ang mga katawan yet they are so different. Nanlilisik ang mga mata. Maiitim. Pati mga paligid. And they walk just like the way their zombie mother walks. Naikumpara natin ang mga files natin kung paano lumakad ang mga zombies na ‘yan. Extremely fast and robotic, tuwid na tuwid.

“And my God, ang kanilang mga dugo are infested with human residues. Ang bilis ng proseso para ang mga kinain nila ay matunaw at sumama kaagad sa kanilang blood. But there are still plenty of human tissues sa kanilang digestive systems pati nga sa bibig, lalamunan at may naligaw din sa kanilang mga baga, ang mga human tissues na ito. Ang bilis mag-breakdown ng laman into the cellular stage. They are very … ama­zingly dangerous! Para silang human-zombies combination. Na mas nakakatakot dahil habang hindi galit, wala silang problemang humalo sa mga tao. But once triggered, ang bilis nilang mag-transform at kumain ng tao.”

Isa ring head ang big­lang galit na nag-react. “Ang kanilang ina ay hindi na mabilang ang  mga biktima. And  we don’t know yet kung saan na naman naghahasik ng lagim ang zombieng ‘yan. And her children are equally dangerous. Ang rekomendasyon ko … annihilate the danger! Kailangan natin silang patayin. - ITUTULOY

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with