^

Para Malibang

Zombie Family (140)

Gilda Olividado - Pang-masa

TAKANG-TAKA pa rin si Herman habang nakatingin kay Marga na nasa dagat din sa kanyang harapan.

Si Marga ang nagligtas sa kanya, ang naghila sa kanya papunta sa iba­baw.

“Paano mo nagawa ‘yon? Paano ka nakarating dito, nasa dalampasigan ka lang kanina.”

Nakatitig lang ang zombie sa kanya pero alam niyang galit at gutom.

Kinabahan na naman si Herman. “Huwag mong sabihin sa akin na kahit nandidito tayo sa gitna ng dagat ay magsi-sex tayo! Nagugutom ka na naman, my God!”

“Kailangan mo na naman ng sex!”

Pero biglang pumailalim sa dagat si Marga. Ang bilis nawala.

At ang bilis ding nakabalik sa ibabaw, sa harapan ni Herman. Pero may dala si Marga.

Na ikinasindak ni Herman. “AAAAAHHHHHHH!”

Dahil ang dala ni Marga mula sa ilalim ng dagat ay kalahating katawan ng babaing turistang napatay ng naputol na daliri ng zombie.

At sinimulang kagatin at nguyain ni Marga ang kalahating katawan, mabilis na nauubos.

“Margaaaa! Sana mamatay ka na laaaang!”

Gustong makalayo ni Herman kaya lumangoy para makaalis na sa harapan ni Marga.

Dahil busy sa pagkain ang zombie, hinayaan lang nito si Herman.  Hindi man kagalingang lumangoy, nakalayo pa rin si Herman sa dating kabit na ngayon ay zombie na.

May natatanaw siyang dumadaan na barko.

Nabuhayan ng loob. Kinausap ang sarili.

“Makarating lang ako riyan tiyak na tutulungan nila ako. Alam kong uubusin ni Marga ang tatlong bangkay sa ilalim ng dagat. Magpabalik-balik ito sa ilalim para sa mga natitira pang katawan. So I have time na makalangoy palapit sa barko.”

Sinikap niyang makalangoy nang mabilis.

Si Marga naman ay kuntento sa kanyang mga pagkain. Binabagalan pa. Parang ninanamnam ang mga ito.

Matapos ubusin ang kalahating katawan, sumi­sid uli. Nang lumutang, ang kalahating ibaba naman ang dala at nilantakan. - ITUTULOY

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with