^

Para Malibang

Zombie Family (138)

Gilda Olividado - Pang-masa

ANG hangad ng daliri ay pumatay, hindi lang kumain o uminom ng dugo.

Kaya matapos ma­ngi­say at mamatay ang unang biniktima ng daliri ni Marga ay mabilis itong nakalipat sa pangalawang turistang babae.

Na nagsisisigaw, natataranta. Hindi makalayo. Parang nanigas ang mga paa.

Ang pinuntirya ng daliri ng zombie ay ang lalamunan din. Kahit mabuto dito, sa lakas ng daliri, agad natusok at lumigwak ang dugo.

Kinain, nginuya ang mga buto ng lalamunan.

Ininom ang dugo.

Nangisay din at agad namatay ang pangalawang babaing turista.

Ang piloto naman na gustong iligtas sana ni Herman ay hindi iyon nangyari.

Dahil nakatalikod ang nagpa-panic nang piloto na dahilan ng paggewang-gewang ng helicopter, hindi ito sa lalamunan natusok.

Kundi sa itaas ng batok.

Sa malambot na bahagi.

Tumusok kaagad ang daliring zombie. At naulit ang pagkain sa laman at mga buto. At paghigop na parang sabaw ng dugo.

Tumirik ang mga mata ng piloto, lumigwak ang napakaraming dugo. Nabasa ng dugo ang katawan nito.

Sobrang eksena na ito para kay Herman. Para na siyang mababaliw. Halos mga katabi lang niya ang mga biktima.

Nailigtas niya ang mga ito noong nasa beach na sila. Pero ngayon lahat ay patay na.

Walang tinira si Marga … o ang daliri nito.

Napakalupit ng daliri. Napakatinding kamatayan ang dumating sa tatlo nang dahil lamang sa isang maliit na daliri ng zombie.

Biglang nawalan ng power ang helicopter, bumulusok sa tubig. Buong nalamon ng dagat.

Sa ilalim ng dagat, kahit hindi masyadong marunong lumangoy, nakalabas sa helicopter si Herman.

Nakasabay pa niya ang mga bangkay. Napakalalim ng bahagi ng dagat na ito. Sinikap ni Herman ang makalangoy paitaas pero sobrang layo ang surface, hindi niya nakayanang marating.

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with