^

Para Malibang

Tahanan bilang kanlungan ng pamilya

Pang-masa

Naiwan na naman ni misis ang brush nito sa kusina na ikinairita ng partner. Iniwan na naman ni mister ang kanyang pinaghubaran sa loob ng banyo! Kinaiinis ni mister kung paano makipag-usap ang asawa sa kanyang nanay. Hindi rin pinalalampas ni misis na late na naman si mister sa dinner.

Ang palampasin ang paulit-ulit na offense ay hindi madaling gawin sa maraming kadahilanan. Ang katuwiran ng partner, kung talagang mahal mo ako ay magbago ka. Ang ganitong argumento ay mas nagpapalaki ng problema. Minsan nga, may katuwiran din ang sinasabi ng ka-partner.

Pero anong magagawa mo, tao lang po na nagkakamali rin si mister o misis. Hindi maaalis ang i-score kung nakailang mali na ang asawa na nagde-demand ng perfection kaysa magpatawad. Nagtatago ng record ng pagkakamali ng partner para laging may maisumbat at feeling superior upang mahawakan sa leeg si hubby o wifey.

Pero ganyan na ang batas ng mundo na ibinibigay kung ano ang deserve na kaparusahan para sa mga nagawa natin. Bakit hindi ibahin ang rule sa loob ng tahanan. Anong mangyayari kapag mas pinili ang magpatawad? Piliin ang pagpapasensiya, lambingan? Hayaang i-let go ang mga nakalipas at pagkakamali.

Ibaon na sa limot na huwag na muling huhukayin. Sa halip, mag-iwan ng mainit na pagmamahal at pagkakaunawaan sa loob ng tahanan bilang lugar ng kanlungan mula sa unconditional na love para sa asawa.

vuukle comment

PARTNER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with