Zombie Family (134)
ISINAKAY na sa special ambulance ang magkapatid na teenager zombies. Dahil sa itinurok na gamot, wala pa ring malay ang mga ito.
Pumunta na rin sa kanyang kotse si Laurice.
Sinundan siya ni Nikolai. “Hey …”
“Yes?”
“Laurice, right?”
“Yes. And you are …”
“Nikolai. Pasensya na. Hindi ko gusto pero nasaktan ko yata nang husto ang dalawang bata. I know they are just teenagers. Ayoko sana talaga silang patulan kaya lang I have to protect not only my life kundi pati na rin mga magulang ko at mga katuwang sa bahay.”
“I understand. Nalaman ko nga na … baka may napatay na kasambahay ninyo ang mga stepchildren ko?”
Nalungkot si Nikolai. “Mahirap nga ito ipaalam sa pamilya niya. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nakikita.”
Napabuntong-hininga si Laurice. “Alangan namang bigla na lang naglaho kung nakasalubong naman ang dalawang teenagers?”
“Na zombies?
“Yes. Na zombies.”
“Ang sinasabing doktor nila na scientist din, what do you think happened to him?”
“Ayoko na lang isipin, e. Pero ang latest update, bumalik daw sa clinic-lab dahil nag-lunch lang daw kaya lumabas. At … hanggang ngayon wala pa ring nakakita sa kanya.”
Nanlumo si Nikolai. “Nakakalungkot talaga ito.”
“Mga walang muwang sila. I’m sure mababait kapag normal. It’s so unfair na pati sila ay naging zombie. Wala silang kasalanan. Di tulad ng kanilang ina, at ng kanilang ama na asawa ko … ang makasalanang relasyon ng dalawa ay hindi dapat nandamay ng mga bata.” Naiyak si Laurice, napahagulhol na.
Nahihirapang tanggapin ang katotohanang baka hindi na masi-save ang dalawang teenagers.
Dala ng awa, nayakap siya ni Nikolai. - ITUTULOY
- Latest