^

Para Malibang

Zombie Family (133)

Gilda Olividado - Pang-masa

NAKARATING agad ang special force sa bahay nina Nikolai.

“I’m Nikolai Saavedra, Sir.”

“And I am Police Captain Sta. Maria. Aalisin na namin sila kaagad dito. May special detention cell na sila.”

Natigilan si Nikolai.

Naawa sa dalawang kabataan.

“Detention? Kulungan sa madaling salita. At ang ibig sabihin sa special, iyung napakahigpit at unpenetratable.”

“They are dangerous. Ikaw na rin ang nagsabi.”

Napabuntong-hininga ang binata. “Yes. At hindi ko naman binabawi ang salitang ‘yon. Affected lang siguro ako dahil nga mga bata pa sila. I hope you won’t tolerate something very harsh for them, Police Captain Sta. Maria.”

“No, I won’t. I promise. Makatao pa rin naman kami, Nikolai.”

Kailangan lang talaga nilang hindi basta makalayo. Ayon sa record pa rin, may tatlong estudyanteng nawala at sila ang suspects. They might have eaten those three. Kasi mga kaaway nila, galit sila sa mga ‘yon.”

Napaisip si Nikolai.

Pumasok din sa kanilang bakuran ang dalawang zombie teenagers dahil nag-react lang ang mga ito sa isang asong galit na galit sa kanila.

At nakasalubong ang kanilang kasambahay.

At malaki ang kutob niyang kinain din ito ng zombie teenagers.

“Sino hong kapamilya ang ii-inform ninyo sa sitwasyon ng mga batang ito? Ang alam ko, missing ang ama nila. Parang kasama yata ng nanay nilang zombie din.”

“Ang kanilang stepmother ang tinitirhan nila. Itinutu­ring daw na mga tunay na anak ang dalawang ito. Actually napatawagan ko na si Miss Laurice, the stepmother.”

“Captain Sta. Maria?”

“Nandidito na pala siya! Yes, Ma’m …”

“Just call me Laurice, Captain. Paano na ngayon itong dalawa? Ano man ang nagawa nila, hindi nila kagustuhan ‘yon. Makausap ko lang ang special doctor nila, siguradong may maganda siyang solusyon tungkol dito.”

“Nawawala rin ang doctor, right? At magti-twenty four hours na. Malapit na siyang maideklarang missing.”

Mangiyak-ngiyak na si Laurice. “Kung may magagawa lang ako, kung puwede nga lang ba sana ko silang maiuwi sa bahay na magiging ligtas ang mga anak ko …” ITUTULOY

 

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with