^

Para Malibang

Zombie Family (130)

Gilda Olividado - Pang-masa

HINDI mapigil ang galit ng aso.

Noong una, normal lang sa dalawang teen­agers ang matakot sa asong galit.

Napaatras pa nga sila.

At gustong tumawid sa kabilang pedestrian lane para umiwas. Pero kadadamba ng aso sa gate na hindi naman pala masyadong nakasara, nabuksan ito.

Atake agad ang aso sa dalawang teenagers.

At nakagat sa braso ang teenager na babae. Malalim na bumaon ang mga ngipin ng aso.

“AAAAAHHHHHH!” Napasigaw ang anak na babae ni Marga.

Bumangis agad ang mukha nito, nanlalim ang mga mata na umitim pati paligid.

Ang teenager naman na lalaki na nagtangkang tumulong sa kapatid, ito naman ang nakagat ng matapang na aso sa braso.

Hindi puwedeng sisihin ang aso dahil nga amoy na amoy niyang hindi mga normal na tao ang dalawa.

Bumangis na rin ang mukha ng teenager na lalaki nang masaktan nang husto.

Tulad ng teenager na babae ito ay bigla ring nag-transform. Mga matang malalim, maiitim pati paligid.

At mga ngipin na hu­ma­ba, matatalim.

Ang mga kilos ay biglang naging tuwid na tuwid, mabilis.

Sasagpangin na sana nila ang aso pero mas mabilis ito. Nakalayo, biglang nanginig sa takot.

Bumahag ang buntot na tumakbo sa loob ng bahay

Hindi naman papayag ang mga teenagers na zombie na ngayong galit at gutom na sila ay matatakasan sila ng kanilang pagkain.

Mabibilis at tuwid ang lakad na pumasok sa bakuran ang dalawa. Dahil sa ingay, napatakbo ang maid sa may gate.

Nakasalubong niya ang mga galit na teenagers zombie.

Bago pa nakatili ang maid, sa kanya na naibunton ang gutom at galit ng mga anak nina Marga at Herman.

Nilapa. Kinatay. Ni­lamon. Hanggang walang natira.

Gutom pa rin. Gusto pa.

Mabilis na lumakad nang tuwid papunta sa pintuan ng bahay. Pero nakita na pala sila ng anak ng may-ari, guwapong nasa mid-twenties, expert sa self-defense at hindi madaling matakot. 

           - ITUTULOY

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with