^

Para Malibang

Zombie Family (129)

Gilda Olividado - Pang-masa

SA malaparaisong isla, nakasakay na sa helicopter sina Herman at tatlong survivors.

Pero hindi pa mapapaandar ang helicopter.

Umandar na kanina, namatay naman ang makina at elise.

Natatanaw na nila ang mabilis at tuwid na nagla­lakad na zombie—si Marga.

“Amiel! Ano ba, bakit di mo pa mapaandar?”

“Wala bang fuel?”

“Ayon dito sa indicator, meron naman! Baka may mali lang akong napindot o hindi napindot, e!”

“Nandidiyan na ang zombie, Amiel! Huhuhuuu!”

“Huwag kayong matakot. Nakasara naman ang pinto ng helicopter!” Pinalakas ni Herman ang loob ng mga turista.

“Hindi ba niya kayang sirain ‘yan? Ang lakas niya, ‘di ba?”

Hindi na makasagot si Herman kasi siya man naniniwalang napakalakas ni Marga.

At nag-i-evolve ito. Hindi gaya noon na matagal bago magutom uli pagkatapos makakain o makipag-sex sa kanya, ngayon ay ang bilis magutom!

Kanina lang niya ito nakatalik ngayon ay gutom na naman. Gusto ng laman ng tao o kaya sex nilang dalawa.

Palapit nang palapit na si Marga.

Pero hindi pa rin nag-ii-start ang makina ng helicopter.

Humanda na naman si Herman para mailigtas sila. Na kung sakaling ayaw pa rin umangat sa lupa si Marga, bago nito sirain ang helicopter ay lalabas na siya, lalapitan ang zombie at kakatalikin ito.

Isipin pa lang na makakatalik na naman niya si Marga, nasusuka na si Herman.

Dahil sobrang baho na ang zombie.

SA village nina Laurice, kaswal lang na naglalakad ang dalawang teenagers nina Herman at Marga.

Taong-tao ang itsura, masayahin pa nga. Mga busog pa kasi. At walang palatandaan na nagsisisi sila sa pagpatay at pagkain nila sa doctor-scientist. Walang trigger para sila maging mapanganib. Walang kagalit saka hindi gutom.

Pero nakita sila ng isang mabangis na aso sa isang malaking bahay at naamoy siguro nito o naramdaman na zombies ang dalawang teen­agers kaya tinahulan nang tinahulan ang mga anak nina Marga at Herman. 

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with