^

Para Malibang

Zombie Family (128)

Gilda Olvidado - Pang-masa

BUSOG na kaya bumalik sa normal ang itsura ng dalawang teenagers. Taung-tao na naman.

Para lang walang pinatay.

Kumuha sila ng konting pera sa naiwang pantalon ng doktor para pamasahe.

Nag-jeep lang sila, nakasama ang ibang tao sa loob ng pampublikong sasakyan.

Pero walang palatandaan na gustong kumain na naman ng tao ang dalawa. Hindi kasi sila galit at hindi gutom.

Bumaba sa harap ng high-end na village nina Laurice. Papasok, sinita ng mga guwardiya.

“Saan ang punta, Sir at Ma’m?”

Nakangiting sumagot ang dalawang teenagers.

“Mga anak po kami ni Daddy Herman.”

“At hinihintay na po kami ni Tita Laurice.”

“Bakit, saan ba kayo galing?”

“Nagkasakit ho kami nang sabay, ginamot po kami sa isang klinika. Pero okay na po kami.”

“Hmmnn, namumukhaan ko nga ang dalawang ‘yan, pare. Madalas naman nakasakay sila sa van ni Ma’m Laurice kasama ‘yung dalawang anak nina Ma’m at Sir Herman. Sige na, papasukin mo na.”

“Maglalakad lang kayo? Malayo rin yon, a.”

“Masarap naman ho maglakad. Saka hindi na ho mainit. Pero pag napagod kami, papara na lang ho ng traysikel.”

“Okay! Sige, lakad na.”

Masiglang lumakad ang dalawa, normal na normal. Walang kaide-ideya ang mga guwardiya ng panganib.

SA ISLA, nakarating na ang tatlong survivors na turista pati si Herman sa helicopter.

Sakay agad sila. Sinubukan kaagad paandarin ng turistang lalaki ang helicopter.

Tumunog ang makina.

Umandar ang elise ng helicopter.

Pero hindi tumuloy ang elise. At namatay ang makina.

Namutla ang lahat. May natatanaw silang naglalakad sa malayo, mabilis, mukhang ma­ka­karating kaagad sa kanila. -  ITUTULOY

 

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with