^

Para Malibang

Zombie Family (127)

Gilda Olvidado - Pang-masa

PADATING naman ang doktor.

Hindi alam wala na ang mga attendants sa clinic-lab dahil natakot sa dalawang teenagers.

Nakasalubong niya ang dalawang zombie teen­agers.

“Oh, my God!”

Ang galit ng dalawang kabataang zombies ay na­ging gutom. Lalong lumawit ng pagkahaba-haba ang dila at dumami ang mga laway na tumutulo.

Pinagtulungan nila ang doktor na hindi na nakatakbo.

Inuna ang ulo, ang gumawa nito ay ang zombie teenager na lalaki.

Ang zombie teenager naman na babae ay ginusto ang malambot na parte. Ang tiyan.

Wala pang ilang sandali, nawala na ang ulo. Isang saglit lang ang pagitan, naubos na rin ang tiyan na kung tutuusin ay malaki at bilog.

Pero sandali lang ito sa mga matutulis na ngipin ng teenager na babaing zombie.

Kaya nahati na kaagad ang katawan nang maubos ang tiyan.

Nagtig-isa ng parte ang dalawa. Upper torso ang lalaki, mula balakang hanggang mga paa naman ang babaing teenager na zombie.

Wala pang kalahating oras, mga pira-pirasong damit at magkabilaang sapatos ang natira sa doktor na henyo.

Ni walang patak ng dugo dahil pati ito sinaid, hinimod, up to the last drop.

Wala na marahil ta­nging tao na makaka-cure sa dalawang teenagers. Makakapagpabalik pa sa kanila sa normal na kondisyon.

HINDI pa rin matiis ni Laurice, tumatawag ito ngayon sa clinic lab para makausap ang doktor.

At makumusta ang dalawang teenager na mga anak nina Marga at Herman.

Pero kahit landline ang tinatawagan niya, wala namang sumasagot.

Kinakabahan na nang husto si Laurice, may kutob na nagbibigay sa kanya ng takot.

Ano na ba ang nangyayari sa clinic-lab? Aminado siyang natatakot siyang pumunta para alamin.

Paano kung nakain na ang mga tao doon? Hindi niya dapat iwan ang kanyang mga anak.

Posibleng alam pa rin ng mga anak nina Marga at Herman ang pauwi sa kanilang bahay.

Kapag dumating ang mga ito, kailangang ipagtanggol niya ang kanyang mga anak. - ITUTULOY

 

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with