^

Para Malibang

Pangungutang ng OFW

BUHAY OFW - Pang-masa

Maraming paniniwala patungkol sa overseas Filipino workers na kapag nagsimulang magtrabaho sa abroad ay laging hayahay na ang buhay. Akala ng iba na malaya na ang OFW sa pagkakautang dahil nakatatanggap ito nang magandang suweldo bilang hudyat ng pagsisimula ng OFW na mag-invest at mapalaki pa ang kanilang sahod.

Totoo naman na marami sa OFW ay binabayaran nang maayos dahil ang ilan ay nagtatrabaho bilang blue collar workers na kumikita ng minimum wage o higit pa ayon sa mataas na rate ng sahod.

Pero huwag kalimutan ang mga OFW ay mayroon ding mga anak na pinag-aaral, naiwan ang matatanda o may sakit nang mga magulang, at iba pang responsibilidad. Tatak na ng OFW na gagawin ang lahat para sa kanilang pamilya at mahal sa buhay.

Maaaring hindi nakagawian ng ilang OFW ang mangutang sa ‘Pinas, pero pagdating sa ibang bansa na dahil sa financial na pangangailangan ng mahal sa buhay ay napipilitang mag-provide at manghiram ng pera kahit pa mas malaki ang interes at mahal ang babayaran sa abroad.

Huwag magtatampo kung hindi agad maibigay ang hinihingi sa kapatid na OFW dahil maaaring kapos pa ito sa pagbubuno ng pagbabayad ng loan mula sa inutang upang maibigay ang needs ng kanyang misis, mga anak, o magulang  nito sa banig ng karamdaman.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with