Healthy ba ang pagsasama ng mag-asawa kung ‘di nag-aaway?
“Mas maganda kung hindi nag-aaway ang mag-asawa para magkaroon naman ng peace ang pagsasama. Hindi lang puro pagtatalo nakakasawa rin.” -Maribeth, Biñan Laguna
“Hindi rin, walang thrill kapag walang awayan blues. Ano perfect ang pagsasama? Mas tumitibay nga kapag may awayan dahil pagkatapos ng tampuhan ay loving loving naman.” -Kristy, Las Piñas
“Okey lang mag-away basta ba walang sakitan physically at kahit emotionally. Sa tagal ng pagsasama na alam na namin manahimik muna at magkaroon ng space. Para makapag- isip kung sino ang tama sa aming dalawa. - Jamie, Tondo
“Naku healthy ba yun hindi nag-aaway. Siyempre magkaiba kami ng personality kaya may kanya-kanya kaming opinion.” - Mylene Novaliches
“Komo nag-aaway hindi hindi na healthy. Huwag lang magbatuhan ng pinggan at manira ng gamit si mister. Nasa pag-uusap naman yan para mabawasan ang stress. Maituturing na healthy nga ang pagsasama kung idadaan sa tamang komunikasyon ng mag-asawa. - Manilyn, Pasay
- Latest