^

Para Malibang

Zombie Family (125)

Gilda Olividado - Pang-masa

HINDI matataba ang mga chains na pumipigil sa dalawang teenagers.

Malalakas ang mga ito.

Nakikita pa ng attendant na bumibigay na ang mga maliliit na bakal.

“Diyos ko po! Mamamatay kami dito!”

Takbo na ito sa labas ng confinement room. Tarantang ini-lock ang pinto. Pero dahil nga sa loob lang puwede i-lock, wala namang kuwenta ang pagla-lock.

Kapag nalagot ang mga maninipis na chains, makakalabas pa rin ang mga anak nina Marga at Herman.

“Hoy! anong nangyari?” Tanong naman ng kasama.

“Malapit na! Malapit na tayong makain ng mga zombies! Takas na, dali!”

“Pero baka kung anong mangyari pag iniwan natin!”

“Buhay ang mas mahalaga! Dali na! Sibat na!”

Palakas nang pala­kas ang dalawang teenagers.

Putol na ang isang chain ng teenager na lalaki.

Kaydali nang pinigtal ang isang buo pa sa kabilang kamay.

Ang sumunod ay ang teenager na babae naman na anak ni Marga. Isang sabay na hila ng dalawang kamay, sabay ding naputol ang mga chains na pumipigil sa kanya.

Patalon na bumaba ng kama ang mga ito. Patuwid na naglakad mabilis papuntang pinto.

Mahahaba lalo ang mga dila, tulo nang tulo ang mga laway. Maiitim ang mga mata at paligid.

Buhay na buhay na zombies na!

Nadala naman ni Herman sa loob ng gubat ang isa pang survivor. Tuwang-tuwa ang dalawang babaing naka-survive rin kay Marga.

“Salamat po!”

“Huwag kayong magpasalamat dahil nakakulong pa tayo dito! Hindi ko pa alam kung paano kayo makakaalis!”

“May helicopter po kami! Sumama na kayo sa amin! Habang hindi pa siya gutom!”

Napaisip si Herman. Hindi rin lang niya magawang patayin si Marga, mabuti pa nga sumama na siya sa pag-alis sa isla.

Alipin man siya ni Marga sa sex, bibigyan parin niya ng pagkakataon ang sarili para maging tamang tao.

“Sige. Safe pa nga ngayon, tatakbo tayo doon sa inyong helicopter. May marunong bang mag-pilot?”

“Susubukan ko ho. Nakapag-aral naman ako.” May malay na ang tanging lalaking naka-survive kay Marga. - ITUTULOY

 

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with