^

Para Malibang

Lalaking nakulong sa loob ng food mixer, nagiling ng buhay!

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang balitang isang lalaki raw diumano ang nagiling ng buhay sa pinagtatrabahuhan nitong factory ng mga chorizo sa lugar ng Iloilo. Parang sa pelikula lamang daw nangyayari ang mga ganito, pero alam n’yo ba na hindi nalalayo ang kuwento ni Andrew Johnston sa nangyari sa lalaking iyon?

Taong 2006 daw nang magiling din ng buhay si Johnston matapos makulong sa malaking food mixer na ginagamit sa paggawa ng coleslaw habang inaayos ito.

Night shift noon ang 26 anyos na biktima nang aksidenteng hindi pala niya napailaw ang safety switch. Para sana ito sa pag-iwas na mapaandar agad ang mixer at para alam na merong tao sa loob.

Ayon sa Health and safety officer na si Nancy Henry, dahil sa nakapatay ang switch ng safety light, inakala ng mga nandoon sa labas na walang tao sa loob nito at safe itong gamitin. Li­ngid sa kanilang kaalaman, nasa loob si Johnston at aksidente niyang napindot ang start button – dahilan para madurog siya ng buhay.

Ayon sa autopsy, nagtamo ang biktima ng extensive internal injuries to the chest, abdomen, at lower limbs. Bali rin ang kanyang legs at pelvis habang ang isa naman niyang binti ay napunit at lumabas na ang laman.

Buhay pa raw at nakaya ito ni Johnston, pero idineklara na siyang patay nang makuha ang kanyang katawan sa loob ng mixer matapos ang 25 minuto.

vuukle comment

BUHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with