^

Para Malibang

Zombie Family (123)

Gilda Olividado - Pang-masa

HINDI kaagad nakasagot sa tanong ng dalawang teenagers si Laurice. Nag-aapura nang umuwi sa kanila ang mga ito.

Paano?

Halos sigurado na niyang kumain ng tatlong teenagers ang dalawa. Paano niya mailalapit ang mga ito sa kanyang mga anak?

Ang doktor ang sumagot. “Hindi pa muna. Kailangang matiyak namin ang inyong kalusugan. Kaya more observations pa.”

Saka lang nagkalakas ng loob sumagot si Laurice. “T-Tama si Doctor. Para sa inyo rin naman kung dumito muna kayo.”

Matalas ang isip ng dalawa. Nakahalata.

“Parang ayaw na ninyo sa amin, a.”

“Oo nga. Akala ko pa naman mabait kayo.”

“Sumunod muna tayo kay Doktor. Siya ang bahala.”

Sumenyas ang doktor, dalawang attendants ang lumapit sa mga anak nina Marga at Herman.

At hinawakan na para madala sa confinement.

Nag-resist ang dalawa, galit na.

“Hindi kami didito! Gusto namin talagang bahay!”

“Kunwari ka pa, Tita Laurice! Galit ka sa amin! Galit ka sa amin!”

Umalis na lang si Laurice habang ang dalawang teenagers ay dinala na sa confinement.

Naiiyak si Laurice.

Awang-awa pa rin sa dalawang teenagers kahit kumain uli ito ng mga tao. Pero bilang ina, mas mahalaga ang kaligtasan ng kanyang mga anak.

Hindi na siya nakakasiguro kung ligtas ang mga anak niya. Kung puwede nga lang bang magpakalayo-layo rin sila.

Pero may trabaho siyang hindi maiiwan.

Trabahong kailangan para mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak niya.

Nasa saradong-saradong silid na nga, nakatali pa ang dalawang ­teen­a­gers. Pero tiniyak naman ng doktor na hindi nasasaktan ang mga ito.

“Secured them but be sure komportable naman sila kahit papaano.”

“Yes, Dok.”

“Pero mag-iingat kayo, ha? Huwag lumapit kung hindi kailangan. At kung lalapit, tiyaking alerto. Mananakit sila, that’s very possible. At iiwasan ninyong makagat dahil baka maging katulad din nila kayo. Their condition is highly contagious.”

Kitang halos takot ang mga attendants.

Pero kailangan lang nilang gawin ang kanilang trabaho.

Nanlilisik naman ang mga mata ng dalawang teenagers. Kapag galit, bigla silang nagugutom at ang gusto lang kainin ay ang laman ng tao.   - ITUTULOY

 

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with