^

Para Malibang

Bitterness na lason sa mag-asawa

Pang-masa

Yung naiwan ni misis ibalik ang takip ng toothpaste na big deal agad sa asawa. Si mister naman ay nakalimutang ilabas ang basura. Palaging ganyan ang tono ni misis na maangas sa mga pagkakamali ni hubby. Gaya ng simbakol ang mukha ni misis kung late na naman dumating si mister na hindi nakakasabay sa dinner ng pamilya.

Walang katapusan ang listahan ng mga maliliit na bagay na nagpapainis at nagpapahirap sa mag-asawa kung kaya ang pagsasama ay parang hindi na matagalan ang relasyon ng dalawa.

Lalo na ang pagkakamali ay paulit-ulit na lamang ginagawa na ilang beses nang pinagdiskusyunan ng mag-asawa. Ano pa kaya ang malalaking isyu ng problema ng tahanan?

Malaki o maliit man, minsan mas magandang huwag na lamang pansinin na hayaan na lamang lumipas. Huwag laging i-tally o ilista ang bawat pagkakamali ng partner na nagpapainis sa iyo. Sa halip ay piliin ang grace, patience, love, kindness, at respeto sa isa’t isa. Simpleng i-let go na lamang ang mga bagay-bagay.

Mag-iwan ng puwang para sa lugar ng affection, moment ng kuwentuhan, tawanan, biruan, at sweetness sa kabila ng mga problema. Gawin ang tahanan na lugar dapat ng kanlungan para makapagpahinga mula sa stress at pressure ng buhay. Kailangan na kapwa manalangin sina mister at misis ng wisdom, kapayapaan, pagkakaunawaan, at pagmamahalan sa lahat ng oras pero madalas ay nakakaligtaan sa isang relasyon.

Huwag hayaang malason ng bitterness ang iyong pagsasama bilang mag-asawa. Dahil ang patuloy na sakit ay maaaring sumira sa relasyon, pero makatutulong na mahilom ang sugat kung may pagmamahalan bago pa masira ng tuluyan ang pagsasama.

vuukle comment

ASAWA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with